Ang Saligan ng Hadeeth
Islamic Studies Book 1 Dr. Bilal Philips
Pinaikli at Sinalin ni: Abu Khalid
Usool al-Hadeeth
Ang literal na kahulugan ng Hadeeth ay kasabihan o pag-uusap, ngunit sa Islam ito ay kumakatawan sa mga kasabihan at gawain ng Propeta Muhammad na isinalaysay ng kanyang mga kasamahan at nalikom sa mga aklat ng mga pantas/paham/dalubhasa (scholars) na sumunod sa kanila. Ang sumusunod ay isang halimbawa ng Hadeeth:
Sinabi sa amin ni Musaddad na sinabi sa kanya ni Shu’bah, mula kay Qataadah, mula kay Anas na sinabi ng Propeta:
Hindi kayo mabibilang na tunay mananampalataya hangga’t mahalin niya para sa kapatid niya kung ano ang mahal niya para sa sarili niya. (Bukhari)
Ang kahulugan nito ay ang pantas ng Hadeet na si Muhammad ibn Isma’eel al-Bukharee ay naglikom sa kanyang aklat na Saheeh al Bukharee ang kasabihang: Hindi kayo mabibilang na tunay mananampalataya hangga’t mahalin niya para sa kapatid niya kung ano ang mahal niya para sa sarili niya, na narinig niya sa kanyang guro na si Musaddad, na kanya namang narinig sa kanyang gurong si Yahya, na sinabihan ng kanyang guro na si Shu’bah, n anarining niya sa kanyang maestro na si Qataadah, isang Tabi’een, na narinig niyang sinabi ng Sahabi na si Anas ibn Maalik, mula sa Propeta.
Bahagi of Hadeeth
Ang hadeeth ay binubuo ng dalawang bahagi: ang Sanad at and Matn.
Ang Sanad
Ang sanad ay ang list ng mga mananalaysay (narrators) na kasabihan o gawain ng Propeta. Ang halimbawa sa hadeeth na nabanggit, ang Sanad ay: Sinabi sa amin ni Musaddad na sinabi sa kanya ni Shu’bah, mula kay Qataadah, mula kay Anas na sinabi ng Propeta.
Ang Matn
Ang teksto ng hadeeth o ang aktual na kasabihan ng Propeta ay ang Matn. Halimbawa sa nabanggit na hadeeth: Hindi kayo mabibilang na tunay mananampalataya hangga’t mahalin niya para sa kapatid niya kung ano ang mahal niya para sa sarili niya.
Mga Uri of Hadeeth
1]. Ang Hadeeth Saheeh
Kung matutupad/magaganap (fulfill) ng mgamananalaysay sa Sanad ang mga sumusunod na kondisyon, ito ay mauuri (classified) na wastong kasabihan ng Propeta at ito ay tinatawag na Saheeh. Ito ay nangangahulugang tayo ay nakakatiyak na sinabi nga ng Propeta o ginawa niya ang kung ano pa man ang naisalaysay sa hadeeth.
Ang mananalaysay ay dapat kilala bilang matapat sa kanyang salita.
Lahat sila ay dapat nagtataglay ng matalas memorya, o di kaya’y naisulat nila ang kanilang narinig (na salaysay).
Dapat ay may pagkakataong nagkita nga o nagkatagpo ang nananalaysay at ang taong pinagkuhaan niya ng salaysay. (They must all have met each other.)
Ang ganitong hadeeth ay maaring gamitin upang patunayan ng paham ang isang point sa batas ng Islam at ito ay dapat sundin. Ang hadeeth ay ang pumapangalawang batayan ng batas ng Islam. Ang lahat ng tunay na Muslim ay nararapat na sumunod dito. Sinabi ni Allah sa Qur’an:
“…Kaya’t inyong sundin (o kunin) ang anumang ipinarating (o ipinag-utos) ng Sugo sa inyo, at anuman ang (kanyang) ipagbawal sa inyo, ito ay inyong iwasan (o itigil)…[Al-Hashr 59:7]
Ang tanging paraan upang masunod natin ang utos ng Diyos ay pag-aralan ang hadeeth ng Propeta at sa pagsagawa nito.
Ang hadeet na nabanggit sa simula ng kabanata ay isang saheeh hadeeth na nagtuturo sa mga Muslim tungkol sa Emaan (pananampalataya). Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay magiging sanhi ng magandang pakikitungo ng nananampalataya sa kanyang kapwa, lalong lalo na sa kapatid niya sa pananampalataya. Natural sa tao ang maghangad ng magandang pakikitungo mula sa kapwa niya tao, nang dahil dito ang magandang pakikitungo ay mahalagang sangkap ng maginhawa at kaaya-ayang pamumuhay. Ito ay naghuhubog ng pagmamahal, pagtitiwala, pag-galang at marami pang ibang magagandang ugali ng mga tao. Upang maitaguyod ang mabuting pakikipagkapwa tao, ang Islam ay nag-udyok sa mga Muslim na makitungo ng mabuti sa kanilang kapwa tao kagaya ng kung ano ang nais nilang gawin sa kanila ng kanilang kapwa.
Nilikom ni Bukhari mula kay Muhammad ibn al-Muthanna, mula kay Abdul Wahhab, mula kay Ayoob, mula kay Abu Qilaabah, mula kay Malik na sinabi ng Propeta: Kayo ay magsagawa ng Salaah kagaya ng papaano ninyo ako nakitang nag-salaah. Natupad ng kadeeth na ito ang mga nabanggit na kundisyon at samakatuwid it ay Saheeh. Ang batas sa Islam na makukuha natin dito ay, sa pagsagawa ng Salaah, tayo ay nararapat na sumunod sa pamamaraan ng Propeta. Ang mga Muslim ay hindi pinahihintulutang gumawa ng pansariling pamamaraan ng pag-salaah, sapagkat hindi lamang ito pagsuway sa utos ng Propeta bagkus ito ay magdudulot ng kalituhan sa pag-salah. Ang tumpak na paglalarawan ng Salah ng Propeta ay matatagpuan sa mga Aklat ng hadeeth. Dahil dito, tayo ay dapat magbasa at ating alamin kung papaano nag-salah si Propeta Muhammad nang sa gayon ay masunod natin ng maayos ang kanyang pamamaraan.
2]. Ang Da’eef Hadeeth
Kapag ang mga mananalaysay sa Sanad ay kilalang nagtataglay ng mga sumusunod na kapintasan, ang hadeeth ay nauuri na hindi tumpak at tinatawag na Da’eef.
Sinuman sa kanila ay kilala na sinungaling
Alinman sa kanila na mahina ang memorya
Alinman sa kanila ang hindi nakita o nakatagpo ang taong pinaggalingan ng kanilang salaysay.
Ang Da’eef na hadeeth ay hindi tunay na kasabihan o gawain ng Propeta at hindi maaring magamit na patunay sa batas-slamiko. Ang batas ay hango sa mga ganitong uri ng hadeeth tinuturing na mali. Halimbawa ang mga dalubhasa sa hadeeth na si Abu Dawood at Ahmad ay naglikom ng isang salaysay mula kay Hafs Ibn Ghayyaath na nag-ulat mula kay Abdur Rahman ibn Ishaaq, mula kay Ziyaad ibn Zayd mula kay Abu Jhayfah, na sinabi diumano ni Ali ibn Abi Taalib, “Ang Sunnah ng paglagay ng mga kamay sa Salaah ay paglagay ng kamay sa ibabaw ng kabilang kamay, sa baba ng pusod”. Subalit ang hadeeth na ito ay tinataguriang Da’eef dahil si Abdur Rahman ay kilala na isang sinungaling. Samakatuwid, ito ay hindi maaring maging isang patunay sa gawaing paglagay ng mga kamay sa ibaba ng pusod habang nag-sasalaah. Ang tamang pagsagawa nito ay ang salaysay ni Taawos na hadeeth. Sinabi niya sa kanyang dibdib habang siya ay nag-sasalaah. Ang hadeeth na ito ay nalikom din ni Abu Dawood at Ahmad at pati na rin si Ibn Khuzaimah. Of course, ang paglagay ng kamay sa baba ng pusod o sa pusod ay hindi naman nakakasira ng Salaah.
Isinalaysay ni Al-Hasan ibn ‘Ateeyah mula kay Abu ‘Aatikah mula kay Anas na sinabi ng Propeta: “Maghanap ng kaalaman maging ito man ay nasa China”. Nilikom ng mga dalubhasa ng hadeeth na sina Ibn ‘Adee at Abu Nu’aym ang hadeeth na ito. Bagama’t ito ay karaniwang sinisipi (commonly quoted) at alam na alam ng mga Muslim, ito ay hindi talagang wasto (accurate). Si Abu ‘Ateekah ay may paratang na nagpapasilpika (falsify) ng hadeeth, samakatuwid ito ay nabibilang isang Da’eef. Katunayan inu-uri ng mga dalubhasa ang ganitong Hadeeth sa isang tanging pag-uri (ng hadeeth) na tinatawag na Mawdoo’ o Fabricated (katha/imbento). Dahil dito hindi tama na banggitin ang kasabihan na ito bilang hadeeth ng Propeta, sapagkat marami sa kanyang kasamahan na nagsasabi na siya ay nagsabi:
Ang sinoman ang magsinungaling tungkol sa akin ng sadya, ipaalam mo sa kanya na siya ay napangakuan ng upuan sa impyerno. (Bukhari)
Ang mga pinakatanyag na aklat ng hadeeth ay ang tinatawag na As-Sihaah As-Sittah (The Sound Six). Ito ay ang Saheeh al-Bukhari, Saheeh Muslim, Sunan Abu Dawood, Sunan at-Tirmidhee, Sunan an-Nasaa’ee at Sunan ibn Majaah. Ang pinakamatandang collection ng hadeeth na umabot sa atin ay ang Muwatta ni Imam Maalik at ang pinakamalaking collection naman ay ang Musnad ni Imam Ahamd. Ang pinaka-accurate na collectoin ay ang Saheeh al-Bukharee at and pangalawang pinaka-accurate ay ang Saheeh Muslim. Samakatuwid ang isang tao ang may layang mag-banggit/sipi/magsabi (quote) ng mga hadeeth na hango sa Bukharee at Muslim bilang mga patunay/batayan/basehan, sapagkat halos lahat ng mga hadeeth na ito ay mapapanaligan/tunay/totoo (authentic) [Saheeh].
Subalit ang mga ibang aklat ng hadeeth na nabanggit ay naglalaman ng mga inaccurate na narration na hindi maaring gawing patunay (sa batas ng Islam). Dahil dito ang mga hadeeth na nataguriang Saheeh ng mga dalubhasa ang maaring magamit mula sa ga aklat na nabanggit.
Marahil, nararapat din sigurong banggitin na ang mga makabagong aklat ay nagbabanggit lamang ng mananalaysay bago ang Propeta kapag nag sipi ng hadeeth upang makatipid ng panahon at espasyo.
Paki click lamang po ang berde at puting arrow para sa ating maikling pagsusulit.