Tanong at Sagot

Tanong:

Kapag nakalimot ang isang tao at nakapagsalita habang nasasagawa ng salah, nawawalan ba ng saysay ang kanyang salah?

Sagot:

Kapag nakapagsalita ang isang Muslim habang nagsasagawa ng salah, dahil nakalimot o dahil hindi alam na bawal ang magsalita habang nagsasagawa ng salah, hindi nawawalan ng saysay ang kanyang salah maging iyon man ay fard o sunnah.  Batay ito sa panalanging itinuro ni Allah: “O Panginoon namin, huwag Mo po kaming parusahan kung kami ay nakalimot o magkamali.”. (2:286)  Nasasaad  sa Hadeeth na ang tugon ni Allah sa panalanging ito ay: “Ginawa ko na.”  Nasasaad sa Saheeh Muslim na si Mu`awiyah bin Al-Hakam As-Salami (RA) ay nagsabi ng yarhamukallaah sa isang bumahin habang sila ay nagsasagawa ng salah dahil hindi niya alam ang alituntuning bawal ang magsalita kapag nagsasagawa   ng salah.  Dahil doon ay pinuna siya ng mga nakapalibot sa pamamagitan ng pagsenyas.  Kaya tinanong niya ang Propeta (SAS) hinggil doon.  Hindi siya inutusan ng Propeta (SAS) na ulitin ang salah dahil ang nakalimot ay katulad ng walang nalalaman.  Nang minsang makalimot ang Propeta (SAS) at nakapagsalita siya habang siya ay nagsasagawa ng salah ay hindi niya inulit ang salah. Sa halip ay kinumpleto niya ang salah tulad ng nasasaad sa Saheehayn na isinalaysay ni Abu Hurayrah (RA) at sa Saheeh Muslim na isinalaysay naman ni Ibnu Mas`ood (RA) at `Imran bin Husayn (RA).  Walang masama sa pagsesenyas habang nagsasagawa ng salah kapag tinatawag ng pangangailangan.  Si Allah ang tagapatnubay.

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top