Tanong at Sagot
Tanong:
Kapag kami ay naglalakbay at napadaan sa isang Masjid sa oras ng dhuhr -- halimbawa -- kanais-nais ba para sa amin na magsagawa ng salah sa dhuhr kasama ng jama`ah (sa Masjid na iyon) at pagkatapos ay isasagawa namin ang pinaikling ‘asr o isagawa na lamang namin ang salah (na hindi kasabay ng jama`ah)? At kapag nagsasagawa kami ng salah kasama ng jama`ah (sa Masjid na iyon) at pagkatapos nito ay gusto naming magsagawa ng ‘asr, tatayo kami pagkatapos ng tasleem upang isagawa agad ang ‘asr o bibigkas muna kami ng mga dhikr at saka magsagawa ng ‘asr?
Sagot:
Ang mas mainam sa inyo ay magsagawa kayo ng salah nang kayo-kayo lamang sapagkat ang sunnah para sa musafir ay paikliin ang salah na binubuo ng apat na rak`ah. Kung magsasagawa kayo ng salah kasama ng jama`ah na di-naglalakbay, kailangan kumpletuhin ninyo ang salah (hindi paikliin) tulad ng nasasaad sa Hadeeth. Kung gusto ninyong pagsamahin ang salah, kailangan gawin kaagad ninyo iyon bilang pagsunod sa sunnah. pagkatapos magsabi ng tatlong astagfirullah at isang allaahumma antas salaam, wa minkas salaam, tabarakta ya dhal jalaali wal ikraam. Subalit kung naglalakbay ay nag-iisa, kailangang magsagawa siya ng salah kasama ng jama`ah na di-naglalakbay at kukumpletuhin niya ang salah (hindi paiiksiin). Ito ang dapat niyang gawin sapagkat ang salah sa jama`ah ay isang fard at ang pagpapaiksi ng salah ay isang kanais-nais na bagay lamang. Ang fard ay kailangan bigyan ng mas malaking pagpapahalaga kaysa kanaisnais na bagay lamang. Si Allah ang tagapatnubay.