Tanong at Sagot:

Tanong:

Kapag nag-aalinlangan ang nagsasagawa ng salah kung siya ba ay nagsasagawa ng tatlo o apat na rak`ah; ano ang kanyang gagawin?

Sagot:

Kapag nag-aalinlangan (sa kung ilang rak`ah ang naisagawa), kailangan bumatay sa kung ano ang tiyak: ang pinakakaunting bilang ng rak`ah.  Ituturing na nakagawa ng tatlong rak`ah, isasagawa ang ikaapat na rak`ah, at ang sujudus sahw* bago magsabi ng tasleem.  Ito ay batay sa sinabi ng Propete (SAS):   “Kapag nag-alinlangan ang sinuman sa inyo sa kanyang salah anupa’t hindi niya malaman kung kanyang natapos sa salah ay tatlo  o apat na rak`ah, isantabi niya ang kanyang pagaalinlangan at bumatay sa kung ano ang natitiyak niya at pagkatapos ay magpatirapa ng dalawang rak`ah (sujudus sahw) bago magsabi ng tasleem.  Kung ang nagawa niyang salah ay limang rak`ah ang sujudus  sahw ang magwawasto sa kanyang salah.  At kung ang nagawa niyang salah ay kumpleto, ang sujudus sahw ay panghihiya sa demonyo.”  Ang Hadeeth na ito na nasa Saheeh Muslim ay isinalaysay ni Sa’eed Al-Khurdi.  Kung nangibabaw sa kanyang palagay ang isa sa dalawa:  kulang o kumpletong rak`ah, ang pagbabatayan niya ay ang kanyang palagay na nagingibabaw.  Pagkatapos sabihin ang tasleemay saka magpatirapa ng dalawang beses (sujudus sahw) at muling magsabi ng tasleem.  Ito ay batay sa sinabi ng Propeta (SAS):  “Kapag nag-aalinlangan ang simuman sa inyo sa kanyang salah, magpunyagi siyang alamin ang tama at kumpletuhin ang salah nang dalawang beses (sujudus sahw).”  Ang Hadeeth na ito na nasa Sahee A-Bukhari ay isinalaysay ni ibnu Mas’ood (RA).

 ________________________________________________________________________________

*Ang sujudus sahw ay dalawang karagdagang sujud (pagpapatirapa) na ginagawa bago o matapos magsagawa ng tasleem kapag nagkamali o nagdududang nagkamali.

 

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top