Tanong at Sagot:
Tanong:
Ang sabi ng iba ay hindi ipinahihintulot na magsagawa ng isa pang sala sa jama`ah (sa Masjid) pagkatapos na maisagawa ang salah sa jama`ah; mayroon po bang batayan ito? At ano po ang tama?
Sagot:
Ang sabi nilang ito ay hindi tama at wala itong batayan sa Sharee’ah, ayon sa aking pagkakaalam. Datapuwa’t ang ipinahihiwatig ng mga Hadeeth na saheeh ay salungat sa sinabi nila. Ang Sabi ng Sugo (SAS): “Ang salah jama`ah ay mas mainam ng dalawampu’t pitong ulit kaysa sa salah na isinagawa ng nag-iisaang tao.” Ang sabi pa niya (SAS): “Ang salah ng lalaki kasama ng isa pang lalaki ay mas mainam kaysa sa salah na isingawa niyang mag-isa.” At ang sabi pa niya nang makita niyang pumasok sa Masjid ang isang lalaki matapos a makapagsagawa ng salah ang mga tao: “Wala bang lalaking magbibigay ng salah kasama niya.” Gayon pa man, hindi ipinahihintulot sa isang Muslim na magpahuli sa salah sa jama`ah. Datapuwa’t kailangan dali-dali siyang dadalo sa sandaling marinig niya ang adhan. Si Allah ang tagapagpatnubay.