المس توى الأول - LEVEL  ONE

Part 2

SILABUS

NG MGA ARALIN

PARA SA UNANG BAYTANG

PAUNANG SALITA

 

Sa Ngalan ni Allah Ang Maawain Ang Mahabagin

 Alhamdulillah, was-Salaatu was-Salaamu 'alaa Rasoolillaah wa 'alaa Aalihi wa Ashaabihi wa man Tabi'ahum bi-ihsaan ilaa yawmiddeen. Ammaa ba'd.

             

 Mga kapatid na mga mag-aaral, ang maliit na sinulat na ito ay upang magamit ninyo na gabay at mababasa sa ating pag-aaral. Ito ay pansamantalang translation mula sa aklat na ginagamit sa ating pag-aaral sa Islamic Studies Course Level – 1 at dinagdagan ng mga tinipon mula sa iba’t-ibang mga pamphlets na nakasalin sa Tagalaog, ayon sa mga paksang nakatakdang pag-aaralan sa level na ito. Nais naming ipagbigay-alam sa inyo na ito ay pansamantala at pang madalian lamang dahil hindi pa kompleto ang pagkagawa nito at hindi pa nabasa ng aking mga kasama upang iwasto kung mayroong mga dapat iwasto.  Ang totoo hindi pa namin ito na-review ng mabuti, alam kobatid naming posibleng may makikita kayong mga mali o hindi tama ang pagka type at pagka tagalog. Kaya kami ay humihingi ng paumanhin sa mga mag-aaral at sa sinumang posibleng makakabasa nito, huwag ninyong ilagay sa inyong mga isipan at kalooban na bakit namimigay sila ng ganitong materyales na mayroon pang maraming mali. Uulitin namin, ito po ay hindi pa tapos. 

 Hihingin rin namin ang inyong tulong na kahit ano o saang parte sa notes na ito ang makita ninyong mali, pakisabi nyo na lang sa amin upang ito'y aking maiwasto. Ang Allah ang magbibigay sa atin ng gantimpala ayon sa ating nilalayon. O Allah! Ibigay Mo po sa amin dito sa mundo ang kabutihan at ganoon din Huling Araw, at iligtas Mo po kami mula sa parusang Apoy. Ameen.   

Ust. Homer Pagayawan

Islamic Studies Section

2013

 

Al-FIQH Al-ISLAAMEE

 

   

ANG MGA PAMAGAT NA PAG-AARALAN SA FIQH UNANG BAYTANG

Al-FIQH Al-ISLAAMEE.. 1

Unang Aralin - ANG TAHAARAH AT ANG PAMAMARAAN NITO.. 3

Ikalawang Aralin - AL-WUDHOO (ANG PAG-HUHUGAS) 5

Ikatlong Aralin - ANG GHUSL AT ANG TAYAMMUM.. 7

Ika-apat na Aralin - AL-SALAAH (ANG PAGDARASAL) 10

Ikalimang Aralin - SALAATUL MASBOOQ, SUJOODUS SAHU & TILAAWAH.. 13

Ika-anim na Aralin - AZ-AZAKAAH (Ang Itinakdang Kawanggawa) 17

Ikapitong Aralin - SAWMU RAMADHAAN (Ayuno sa Buwan ng Ramadhaan) 21

Ikawalong  Aralin - AL-HAJJ WAL 'UMRAH (ANG HAJJ AT 'UMRAH) ………………………25

 

 

 

Unang Aralin - ANG TAHAARAH AT ANG PAMAMARAAN NITO

Ang Tahaarah (Kadalisayan)

Ang salitang Arabic para sa pagiging malinis ay "Tahaarah." Ang literal nitong kahulugan ay kalinisan subalit sa Islamikong pananaw, ito ay tumutukoy sa estado o kalagayan ng pagiging malinis, na kinakailangan ng isang Muslim bago niya isasagawa ang mga gawaing pagsamba. Tubig ang ginagamit sa pagsasagawa ng tahaarah. Ang tubig na ito ay maaaring mula sa ulan, niyebe, balon, bukal, batis, ilog, sapa, lawa, at dagat. Maaari ring gamitin ang tubig na musta’mal (ang tubig na nagamit na sa pagsasagawa ng tahaarah) sa pagsagawa ng taharah.

Gayon din ang tubig na nahaluan ng isang bagay na Taahir at nanatili at hindi itinuturing ng Batas ng Islaam na marumi o nakapagpaparumi. Ang tubig na nahaluan ng Najis (ang najis ay ang anumang bagay na nagtataglay o nagiging sanhi ng najaasah) ay hindi puwedeng gamitin sa pagsasagawa ng tahaarah kapag nabago ng najaasah ang lasa o amoy o kulay ng tubig. Kung wala namang naganap na mga nabanggit na pagbabago, maaari pa ring gamitin ang natirang tubig sa lalagyan pagkatapos ito inuman maliban sa ininuman ng aso at baboy sapagkat ang tubig na ito ay nagiging najis na.

Bago isagawa ang Salaah, nararapat lamang na maging malinis at dalisay. Ang Allaah ay nagsabi: {{O kayong mga naniniwala! Kapag kayo ay nagnanais na magsagawa ng Salaah (pagdarasal) at wala kayo sa kalagayan ng Tahaarah (kalinisan), hugasan ninyo ang inyong mga mukha, at ang inyong mga kamay hanggang siko, at pahiran ninyo ng tubig ang inyong ulunan, at hugasan ang inyong mga paa hanggang bukong-bukong. At kapag nangyari sa inyo ang malaking Hadath (paglabas ng semilyana sanhi ng pagtatalik, wet dreams at iba pa) ay maglinis kayo sa pamamagitan ng pagpapaligo ng boung katawan (ghusl) bago ninyo isagawa ang Salaah. At kung kayo ay may sakit o di kaya'y nasa paglalakbay at nasa kalusugan naman kayo, o di kaya'y nagbawas kayo (na ang ibig sabihin ay umihi o dumumi kayo), o di kaya'y nakipagtalik kayo sa inyong mga asawa; at pagkatapos ay wala kayong makitang tubig, samakatuwid sa ganitong kadahilanan ay magsagawa kayo ng Tayammum bilang panghalili – ang malumanay na paghahampas o pagdadampi ng inyong mga palad sa lupa at pagkatapos ay ipapahid sa inyong mga mukha at mga kamay. Walang hangarin ang Allaah na kayo ay Kanyang higpitan sa Kanyang pagaatas sa paglilinis; bagkus ay ipinahintulot Niya sa inyo ang pagsasagawa ng Tayammum, upang kayo ay luwagan at bilang awa na rin sa inyo; dahil ito ay ginawa Niya bilang panghalili sa tubig na paglilinis. At ang pagpapahintulot ng Tayammum ay mula sa kabuuan ng Kanyang biyaya, nang sa gayon ay tumanaw kayo ng utang na loob sa Kanya na nagbiyaya sa inyo, sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal.}}. [Soorah AlMaaidah: 6]

Ang kalinisan ng puso, katawan at pananamit ay tinatawag na Tahaarah o kadalisayan. Sa ganitong kalagayan lamang maaaring isakatuparan ng isang Muslim ang Salaah.

Ang pagpapakadalisay ay maaaring makamtan sa pamamagitan ng Al-Wudhoo (paghugas ng ilang bahagi ng katawan).

Ang hikmah (wisdom) ng tahaarah ay ang paglilinis ng Muslim mula sa mga maruruming bagay (najaasah) bago tumayo sa harapan ng kanyang Panginoon upang magsagawa ng Salaah (dasal).

Ang Tahaarah ay may dalawang uri: minor at major, at ang paglinis mula sa khubuth (paglilinis matapos dumumi o umihi).

a). Ang maliit (minor) na paglilinis. 

Ito ay ang paghuhugas, paglilinis ng ilang parte ng katawan na kalimitang nakalitaw o nakalabas bilang paghahanda sa Salaah). Ang mga ito ay ang mukha, mga kamay, mga braso, ulo at ang mga paa.

b). Ang malaki (major) na paglilinis.

Ito ay ang paliligo o pagbasa ng boung katawan. Kinakailangang marating ang lahat ng parte ng katawan kapag nagsasagawa nito.

Ang mga uri ng Najaasah (karumihan):

  1. Ang ihi ng tao, dumi, nana at suka.
  2. Ang dugo 
  3. Ang dugo ng buwanang dalaw at pagdurugo ng bagong panganak.
  4. Ang Waddee, uri ng likidong malapot at kulay puti. Ito ay maaaring lumabas    matapos umihi o sa iba pang mga kadahilanan gaya ng karamdaman. 
  5. Ang Madhy, uri ng likidong malinaw na kadalasan ay lumulabas sanhi ng pagnanasang sekswal. (Ito ay kapwa nauukol sa babae at lalaki. Maaaring hindi naramdaman ng isang tao ang paglabas nito. Ito ay kailangang linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa maselang bahagi ng katawan at naaapektuhang bahagi ng damit. Ikumpara sa Mannee (sperm) ito'y hindi maituturing na Najas. Ito ay maaaring linisin sa pamamagitan ng paghuhugas kung basa, at pagkukuskus kung ito'y tuyo).
  6. Lahat ng patay na hayop, maliban sa patay na isda at balang (lucost).
  7. Ang dumi at ihi ng hayop na ang laman ay hindi pinahihintulutang kainin (katulad ng pusa, aso, baghl at himaar).
  8. Ang laway ng aso.

 Mga paraan ng pag-aalis ng Najaasah (karumihan)

Mula sa katawan at mga damit: Hugasan ng tubig hanggang sa wala ng makikitang marumi. Gayunman, kung sakaling mahirap alisin ang lahat ng dumi na may bahagyang marka na maiiwan sa damit matapos labahan, ito ay puwede na. Ang halimbawa sa ganoong mga marka na mananatili ay ang mantsa ng mga nilalabhang may dugo. Kung hindi alam ng tao na may marumi sa kanyang katawan o damit o nalimutan ito at maaaring hindi niya naalis bago siya nagdasal, ang kanyang pagdarasal ay may bisa at hindi na kailangan na ulitin pa ito. Kung hindi niya malaman ang dahilan ng pagkabasa ng kanyang damit lalo na sa gabi, hindi siya dapat mabahala o sumangguni pa tungkol dito.

  1. Mula sa lupa: Linisin sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig o pabayaang matuyo maliban kung mayroong nakikitang marumi na kailangang alisin. 
  2. Mula sa sapatos: Linisin sa pamamagitan ng pagkuskos ng mga sakong ng sapatos sa lupa o sa pamamagitan ng pagkuskos ng mga sakong sa isa't-isa hanggang sa walang makitang marumi.

Al-Istinjaa wa Al-Istijmaar (Ang paghuhugas ng karumihan sa pamamagitan ng tubig at paggamit ng tatlong maliliit na bato, at ang katulad nito kahoy, mga dahon ng kahoy).

Ang Istinjaa: Ang paglilinis ng karumihan sa dalawang daanan sa pamamagitan ng paggamit ng tubig.

Ang Istijmaar: Ang paglinis ng karumihan sa dalawang daan sa pamamagitan ng bato at katulad ng kahoy, dahon ng kahoy at papel o tissue. 

Ang mga isyu tungkol sa istinjaa at istijmaar:   

  1. Lilinisin ang maruming lalabas sa dalawang daanan sa pamamagitan ng tubig, o mga bato, o mga panyo, o dahon, o papel, ngunit tubig ang pinakamabuti dahil ito ang pinakamainam na panglinis.
  2. Kondisyon sa bato na tatlong maliliit ang gagamitin, at kapag hindi pa rin nalinis ay dagdagan, at sunnah na kung witr ang bilang rito, 3,5 o pataas.
  3. Bawal gumamit sa pag ijtimaar ng buto, tae, kainin at iba pa.

Ang magandang paraan sa paggamit ng palikuran:

  1. Bawal humarap at tumalikod sa Qiblah sa oras ng pag-ihi o pagdumi kapag nasa disyerto, at ito'y maaari kapag nasa loob ng gusali, ngunit mas maigi kung hindi ito gagawin.
  2. Bawal ang pag-ihi o pagdumi sa Masjid, kalsada, lilim na may benipisyo, ilalim ng mga kahoy na may bunga, at iba pang mga lugar na pinupuntahan ng mga tao.
  3. Ipinag-uutos ang paghuhugas ng tubig sa parte ng damit na nalagyan ng najaasah, at kapag hindi nakikita ang parteng nalagyan ng najaasah lalabhan ng kompleto ang damit na ito. 
  4. Lilinisin ang ihi ng batang lalaki at huhugasan ang ihi ng batang babae kapag sila ay hindi pa kumukain, at kapag kumakain na ay lalabhan ng kompleto.
  5. Sunnah sa pagpasok sa palikuran na iuuna ang kaliwang paa at magsasabi ng: "Allaahumma innee a'oodhu bika minal khubthi wal khabaaith." Sinang-ayunan ng dalawa. 
  6. Sunnah sa paglabas mula sa palikuran na iuuna ang kanang paa at magsasabi ng: "Ghufraanak" Iniulat ni Aboo Daawud at Tirmidhee.
  7. Kailangang maghugas ng kamay matapos na gumamit ng silid-palikuran. Kapag walang magamit na sabon, maaaring linisin ang mga kamay sa pamamagitan ng pagkuskos ng mga ito sa lupa o buhangin o sa tissue.   
  8. Sunnah sa sinuman na iihi o dudumi sa bukas na lugar o disyerto na malayo sa paningin ng mga tao o di kaya'y maglagay ng harang upang di makita, o pumunta sa lugar na katugma sa kanyang pag-ihi upang hindi matalsikan ng kanyang ihi.

Sunna na umupo ang lalaki habang umiihi, maaaring umihi ng nakatayo kapag siguradong hindi siya matatalsikan ng ihi at hindi siya makikita ng posibleng makakakita sa kanya.

Di kanais-nais ang pag-ihi ng lalaki na nakatayo ng isang paa lang, at ang paghawak sa kanyang ari ng kanang kamay, at ang pag-istinjaa at pag-istjmaar, at ang pagtaas ng kanyang damit bago nakababa sa lupa kapag nasa bukas na lugar. Di rin kanais-nais ang pagsagot sa salaam kapag umiihi o dumudumi. Kapag tapos na sa pag-ihi o pagdumi at nakapaglinis na maaari na itong sumagot sa salaam sa kanya.

 

Ikalawang Aralin - AL-WUDHOO (ANG PAG-HUHUGAS)

Paano ang pagwudhoo:

      Sinuman ang gustong magsagawa ng wudhoo, gawin niya ang mga sumusunod: 1. Unang-una, nararapat na magkaroon ng maliwanag na Niyyah (intensiyon o hangarin) sa sarili na magsagawa ng Wudhoo.

  1. Banggitin ang “Bismillaahir Rahmaanir Raheem.”
  1. Hugasan ang dalawang kamay hanggang pulso, ng tatlong ulit. Tiyakin na ang lahat ng bahagi, pati na ang pagitan ng mga daliri ay mabasa ng tubig.
  1. Magsahod ng tubig sa kanang kamay at magmumog ng tatlong ulit.
  1. Hugasan ang ilong sa pamamagitan ng mahinang pagsinghot ng tubig mula sa kanang kamay at ito ay isinga sa tulong ng kaliwang kamay. Gawin ito ng tatlong ulit.
  1. Hugasan ang buong mukha hanggang sa mga tainga, noo at baba (kasama ang balbas) ng tatlong ulit. 
  1. Hugasan ang mga braso, iuna ang kanan at isusunod ang kaliwa, mula sa pulso hanggang sa siko ng tatlong ulit.
  1. Ihaplos ang basang mga kamay mula sa tinubuan ng buhok sa noo hanggang sa batok nito at ihaplos pabalik mula sa batok hanggang sa tinutubuan ng buhok sa noo.
  1. Linisin ng minsan ang loob ng magkabilang tainga ng basang hintuturo samantalang ang hinlalaki ay hinahagod ang likuran ng tainga.
  1. Hugasan ang magkabilang paa hanggang bukong-bukong, iuuna ang kanan at isusunod ang kaliwa, at tiyaking mababasa ang lahat ng bahagi pati na ang pagitan ng mga daliri.
  1. Ang mga gawain ng Wudhoo ay winawakasan sa pagbigkas ng Kalimatush Shahaadah:

Ash-hadu an laa ilaaha illaa Allaah, wa ash-hadu anna Muhammadan Rasoolullaah.”

Ang mga nakakasira ng Wudhoo:

  1. Ang paglabas ng kahit na ano sa dalawang daanan tulad ng ihi, tae at otot.
  2. Ang malalim na pagtulog (matapos na magkaroon ng wudoo).
  3. Ang paghaplos sa ari ng walang saplot.
  4. Pagkawala ng mabuting pag-iisip: Dahil sa pagkabaliw o pagkawala ng malay o   pagkalasing.
  5. Ang paglabas sa Islas.
  6. Ang pagkain ng karne ng kamelyo.

Obserbasyon

A. Ang mga dapat dalisayin upang maging katanggap-tanggap ang Salaah:

  1. Tahaaratul Badan (Kalinisan ng katawan).

Kasama sa paglilinis ng katawan, ang palagiang paglilinis sa parte na kung saan dumadaan ang ihi at dumi matapos makaraos, (sa pamamagitan ng tubig o di kaya’y papel at iba pa).

  1. Tahaarah Ath-Thawb wal makaan minan Najaasah (Paglilinis ng damit at lugar mula sa Najaasah).

Ang Najaasah ay ang ihi, dumi, dugo, math-thee, waddee, dumi at ihi ng mga hayop na hindi nakakain ang laman nito, tulad ng baboy, himaar (donkey), at mga aso at iba pa.

Obserbasyon

Kailangan sa isang Muslim kapag natalsikan siya ng isa sa mga nabanggit na Najaasaat na hugasan niya ng tubig bago siya magsagawa ng pagdarasal.

Ikatlong Aralin - ANG GHUSL AT ANG TAYAMMUM

 

Ang Ghusl (Paliligo): Ito ay ang paliligo ng boung katawan sa pamamagitan ng malinis na tubig na ang isasaloob ay “At-Tahaarah Al-Kubraa (major purity).”

Ang obligadong Gawain sa pag-Ghusl (pagliligo): 

  1. Ang paglalayun (An-Niyyah).
  2. Ang kompletong pagliligo ng boung katawan.

Ang paraan ng kompletong Ghusl

  1. Ito ay ang paghugas ng kanyang dalawang kamay bago ito ipasok sa loob ng lalagyan ng tubig.
  2. Pagkatapos ibubuhos ang tubig ng kanang kamay patungong kaliwang kamay at hugasan ang kanyang ari. 
  3. Pagkatapos ay magsimula ng magsagawa ng kanyang ablusyon para sa Salaah, ngunit saka na ang paghugas ng kanyang dalawang paa sa katapusan ng ghusl. 
  4. Pagkatapos ay magpapabuhos ng tubig sa kanyang ulo nang tatlong beses. 
  1. Pagkatapos ay magpapabuhos ng tubig sa kanyang katawan simula sa kanang balikat at isusunod ang kaliwang balikat ng tatlong beses. 
  2. Pagkatapos ay lilipat mula sa kanyang kinatatayuan at itutuloy na ang paghugas ng kanyang dalawang paa ng tatlong beses.

Ang mga dahilan kung bakit kailangan (waajib) ang pag-ghusl:

  1. Ang Pagpasok sa Islam.
  2. Al-Jemaa’ (ang pagtatalik ng mag-asawa).
  3. Paglabas ng punlay (na may pagnanasa).
  4. Panaginip (wet dream).
  5. Pagkatapos ng Haydh (regla) at Nifaas (dugong lumalabas matapos na manganak).
  6. Kapag namatay ang Muslim.
  7. Ang nagpaligo sa patay na Muslim.
  8. Bago dumalo sa dalawang Eid na dasal.
  9. Bago pumunta sa Masjid sa para sa dasal na Jum’ah (sa araw ng Beyernes).
  10. Ang Hajj at Umrah.

Mga gagamitin sa pagdadalisay:

 Ang malinis na tubig. Ito ay ang tubig na hindi nagbago ang kulay, lasa, at ang amoy nito.

Ang uri ng mga tubig:

  1. Tubig ng balon.
  2. Tubig ng dagat.
  3. Tubig ng ilog.
  4. Tubig ng ulan at iba pa.

Ang Tayammum: (Pamalit na Pangdalisay): 

 Ang Tayammum ay ang pagdampi ng dalawang palad ng kamay sa lupa o alikabok. Pagkatapos ihaplos ng minsan ang mga palad sa mukha. Pagkatapos ihaplos ng minsan ang kaliwang palad sa ibabaw ng kanang kamay hanggang sa pulso at pagkatapos ay ihaplos ng minsan ang kanang palad sa ibabaw ng kaliwang kamay hanggang sa may pulso. 

Ang Propeta ay nagsabi: “Sapat na sa inyong gawin ang katulad nito: at kanyang idinampi ang dalawang palad sa lupa, hinipan ang mga ito at inihaplos sa kanyang mukha at sa itaas ng bawat kamay.”

Ang tayammum ay isinagawa bilang kapalit ng Al-Wudhoo o Al-Ghusl sa pamamagitan ng paggamit ng malinis na lupa o alikabok.

Kailan maaaring magsagawa ng Tayammum?

Maaaring magtayammum sa mga situwasyong sumusunod:

  1. Kapag walang tubig pagpasok ng oras ng Salah (dasal).
  1. Kapag ang paggamit ng tubig ay imposible o mapanganib dahil sa lubhang lamig ng panahon at makakapinsala sa may karamdaman o sakit.
  2. Kung may konting tubig man ngunit ito ay lubhang kailangan para sa inumin at pagluluto.
  3. Kapag walang makitang tubig matapos ang masidhing paghahanap o kung mayroon man ay hindi makasasapat para sa Wudo o Ghusl o bagaman malapit ang pinagkukunan ng tubig ay nangangambang baka may masamang mangyari sa sarili o sa mga ari-arian kapag umalis at kumuha ng tubig.

Ang Pagsasagawa ng Tayammum:

1. Niyyah (Intensyon). Isapuso ang hangaring magsasagawa ng Tayammum.

2. Sabihin ang “Bismillah”.

  1. Ihaplos ng isang beses ang mga palad sa tuyong lupa o alikabok.
  2. Hihipan ang magkabilang palad upang mabawasan ang lupa o alikabok at matanggal ang mga bato o buhangin na maaaring dumikit sa palad. 5. Ihaplos ng isang beses ang mga palad sa mukha mulang noo pababa.
  3. Ihaplos ang kaliwang palad ng isang beses sa kanang kamay, at pagkatapos ay ihaplos ang kanang palad ng isang beses sa kaliwang kamay. 7. Wakasan ang rituwal sa pagbanggit ng (Kali-matu Ash-Shahada).

“Ash-hadu an laa ilaaha illallaah wa ash-hadu anna Muhammadan Abduhu wa Rasooluh.”

(Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo).

Ang mga nakakasira sa Tayammum:

  1. Nawawala ang bisa ng Wudo' kapag nagkaroon na ng tubig ang isang walang tubig bago nagsagawa ng Salah o samantalang ito ay nagsasagawa nito. Subalit kapag nakatapos na siyang magsagawa ng Salah ay saka pa lamang nagkaroon ng tubig, tanggap pa rin ang kanyang Salah.

Ang lahat ng nakasisira sa wudhu ay nakasisira rin sa tayammum.

Ika-apat na Aralin - AL-SALAAH (ANG PAGDARASAL)

Ang kahulugan ng Al-Salaah:

 Ito ay uri ng ‘ibaadah (pagsamba) na kailangang isagawa ng Muslim limang beses sa isang araw. Mayroon itong mga kondisyon na kinakailangang isagawa bago magsimulang magsalaah. Kapag nakaligtaan ang kahit isa sa mga ito, ang salaah ay hindi katanggap-tanggap.

  1. Ang At-Tahaarah ay mula sa Hadathul Akbar (major impurity) at Hadathul Ashgar

(minor impurity).

  1. Ang kadalisayan ng damit, katawan at lugar.
  1. Ang pagpasok ng tamang oras.

 Kailangan sa magsasagawa ng dasal na malaman niya ang pagpasok ng tamang oras bago siya magsimulang magdasal. Ang bawat salaah ay dapat isagawasa kanikanilang oras. Ang salaah ay hindi maaaring isagawa bago sumapit ang takdang oras nito.

  1. Ang pagtatakip ng Awrah (mga bahagi ng katawan na dapat takpan)

Kailangang nakasuot ng damit na natatakpan ang kanyang awrah ang sinumang magsasagawa ng salaah.

Bago isagawa ang salaah, kailangang tiyakin muna na nasa tamang pananamit. Sa kalalakihan, nararapat na takpan kahit man lamang ang kanilang katawan mula pusod hanggang tuhod (kung sakali mang walang ibang damit na maisusuot). At sa mga kababaihan naman ay nararapat na takpan ang kanilang sarili mula ulo hanggang paa, maliban sa mukha at kamay. Ang pananamit dapat malinis, hindi naaaninag ang katawan, at hindi hapit sa katawan. Sa araw ng kanilang haydh (monthly period) ang kababaihan ay hindi obligado na magsagawa ng salaah.

  1. Ang Pagharap sa Qiblah

Kailangan sa magsasagawa ng Salaah na humarap sa Qiblah. Kapag hindi alam ang direksiyon ng Qiblah;

  1. Magtanong sa mga nakakaalam.
  2. Sikaping malaman ang Qiblah at magsalaah.

6. Lugar o Pook

Saan man naroroon ang tao, siya ay maaaring humarap sa Allaah sa kanyang mataimtim na pagsasagawa ng salaah. Si Propeta Muhammad (s.a.w.) ay nagsabi: “Ang lahat ng dako ng daigdig ay ibinigay sa akin na maging Masjid, malinis at dalisay.”  

Higit na kanais-nais na ang salaah ay isagawa ng sama-sama o jama-‘ah.

Mga kondisyon ng pagkakompleto ng Salaah:

1. Ang relihiyong Islam, hindi tatanggapin ang salaah ng isang di mananampalataya.

2. Ang may mabuting pag-iisip, hindi tatanggapin ang salaah ng taong baliw.

3. Ang nasa tamang edad, hindi ito ipinipilit sa isang bata maliban lamang kapag umabot na sa tamang edad. Ngunit ito ay ipinag-uutos na may edad na pitong taon at papaluin kapag umabot na ng sampung taon.

  1. Kailangan dalisay mula sa malaki at maliit na marumi.
  2. Kailangang malinis ang damit, katawan at lugar na pagdadausan ng salaah.
  3. Ang pagpasok ng tamang oras, kailangan sa taong magdadasal ay siguraduhin niya na pumasok na ang oras ng pagdarasal bago magsagawa ng dasal, (hindi katanggaptanggap ang salaah bago pumasok ang tamang oras nito).
  4. Ang pagtakip ng Awrah, ito ay ang pasusout o pagdamit ng magsasagawa ng salaah damit na mababalot ang kanyang awrah. (Ang awrah ng lalake ay mula sa kanyang pusod hanggang tuhod, at ang awrah ng babae ay ang boung katawan ng babae. Kailangan sa kanya ay magsout ng damit na nababalot ang kanyang boung katawan maliban lamang sa kanyang mukha at dalawang palad. 
  5. Ang pagharap sa Qiblah, kailangan sa magdadasal na humarap sa Qiblah (Ka’bah). Kapag hindi niya alam kung nasaan ang Qiblah gawin niya ang sumusunod: 

a). Magtanong doon sa mga nakakakaalam kung nasaan ang Qiblah. At kapag hindi na nalaman ang Qiblah, dapat ay:

b). Sikapin niyang alamin ang Qiblah at magsasalah.

  1. Ang paglalayon, ito ay isa sa mga kondisyon ayon sa ijmaa (pagkakaisa ng mga Ulama).

                                                                                                                                                          

Ang mga obligadong Salaah at ang mga takdang oras nito:Kailangan sa Muslim ang magdasal limang beses sa isang araw.

Pangalan ng Salaah Ang bilang ng Rak’ah ng Salaah Ang mga takdang oras ng mga obligadong Salaah Ang babasahin sa unang dalawang Rak'ah.

Ang babasahin sa mga huling

rak-‘ah, walang boses.

AL-FAJR 2 Rak-‘ah Magmula sa bukang liwayway hanggang sa bago sumikat ang araw

Al-Faatiha +

Al-Kawthar, mayroong boses

------------

Al-Faatiha +

Al-Ikhlaas, mayroong boses

ADH-

DHUHR

4 Rak-‘ah

Pagkalipas ng tanghaling tapat

hanggang sa pagdating

ng oras ng dasal na ‘Asr

(kung kailan ang anino  ng isang bagay ay kasing sukat nito)

Al-Faatiha + Al-‘Asr, walang boses

Faatiha
Pangalan ng Salaah Ang bilang ng Rak’ah ng Salaah Ang mga takdang oras ng mga obligadong Salaah Ang babasahin sa unang dalawang Rak'ah.

Ang babasahin sa mga huling

rak-‘ah, walang boses.

AL-‘ASR 4 Rak-‘ah Magmula sa oras ng dasal na ‘Asr hanggang sa paglubog ng araw

Al-Faatiha +

Al-Nasr, walang boses

Faatiha

Al-Faatiha +

Al-Ikhlaas, walang boses

Faatiha

AL-

MAGHRIB

3 Rak-‘ah Magmula sa paglubog ng araw hanggang sa maglaho ang karimlan 

Al-Faatiha +

An-Nasr, mayroong boses

Faatiha

Al-Faatiha +

Al-Ikhlaas, mayroong boses

AL-

‘ISHAA

4 Rak-‘ah

Pagkatapos ng dasal na

Maghrib hanggang sa hatinggabi

Al-Faatiha +

Al-Feel, mayroong boses

Faatiha

Al-Faatiha +

Al-Ikhlaas, mayroong boses

Faatiha

Paalaala:

 Ito ang mga oras ng pagdarasal at kung sino ang nakaligta nito dahil sa nakatulog o maysakit o di kaya’y nakalimot, isagawa niya kaagad ito kapag naalala.

Paano ang pagsasagawa ng Salaah:

Sinuman ang gustong magsagawa ng Salaah, gawin itong mga sumusunod:

1. Tumindig ng matuwid na nakaharap sa Qiblah at magsagawa ng Niyyah (layunin).

2. Pagkatapos ay itataas ang dalawang kamay hanggang sa tapat ng mga balikat na ang mga palad ay nakaharap sa Qiblah at magbibigkas ng “Allaahu Akbar.” 

3. Pagkatapos ng Takbeer (Allaahu Akbar), ilagay ang kaliwang kamay sa dibdib at ipatong ang kanang kamay sa ibabaw nito. Bigkasin ang pambungad na du’aa:

“Subhaanakal laahumma wa bihamdik, wa tabaarakasmuk, wa ta’aalaa jaudduk, wa laa

ilaaha ghayruk.”

4. Isusunod bigkasin ang Sooratul Faatihah: “A’oodhubillaahi minash shaytaanir  rajeem” “1..Bismillaahir Rahmmaanir Raheem. 2..Alhamdulillaahi rabbil ‘aalameen. 3. Ar-Rahmaanir Raheem, 4. Maaliki yamiddeen. 5. Iyyaaka na’budu wa iyyaaka nasta’een. 6. Ihdinas siraatal mustaqeem. 7. Siraatal ladheena an’amta ‘alayhim. Ghayril maghdhoobi ‘alayhim wa ladh-dhaaaalleeeeeen.” Ameen…

5. Isusunod ang pagbigkas ng mababang Soorah sa Quraan, tulad halimbawa ng Sooratul Kawthar: “Bismillaahir Rahmaanir Raheem. Innaa a’taynaakal kawthar. Fasalli lirabbika wanhar. Inna shaani-aka huwal abtar.”

6. Pagkatapos ay magbibigkas nang Takbeer: “Allaahu Akbar” para sa Rukoo’, habang itinataas ang mga kamay sa magkabilang balikat, na ang mga palad ay nakaharap sa Qiblah. 

7. Magsagawa ng Rukoo’ sa pamamagitan ng pagbaluktot ng likod, na ang likod at ulo ay magkapantay, at ilalagay ang mga kamay sa tuhod, at bibigkasin ang: “Subhaana Rabbiyal ‘adheem” tatlong beses. 

8. Tapos babangon mula sa pagkayuko habang itinataas ang mga kamay na nakaharap sa dakong Qiblah, at bibigkasin ang: “Sami’Allaahu liman hamidah”, at isusunod din ito: “Rabbanaa wa lakal hamd” habang ibinababa ang mga kamay.

Ikalimang Aralin - SALAATUL MASBOOQ, SUJOODUS SAHU & TILAAWAH

(Late Prayer, Sahwee & Tilaawah Prostrations)

Salaatul Masbooq (Ang Salaah ng Nahuhuli):

Ang Masbooq: Siya ay nahuli ng isang rak’ah o marami na mula sa dasal na Jamaa-

‘ah (pangmaramihan).

Kailangan sa magdarasal na kapag pumasok siya sa Masjid at naabutan  ang Imaam na nagsimula ng magsagawa ng Salaah bago siya dumating,  gagawin niya itong mga sumusunod:

  1. Magsasabi ng Allahu Akbar ng Takbeeratul Ihraam habang siya Ay nakatayo.
  2. Susunod sa posisyon ng Imaam na kanyang inabutan, (nakatayo man o nakayukod o nagpatirapa).
  3. Kapag nagtasleem na ang Imaam, siya ay tatayo uli at kompletuhin ang mga nakaligtaang rak'ah ng Salaah.

Ang magiging simula ng kanyang Salaah ay ang rak'ah na inabutan niya kasama ng Imaam

Nakokompleto ang isang rak'ah kapag umabot pa sa pagrukoo', kasama sa pagyukod ng Imaam. Subalit kapag pumasok ang Masbooq matapos na maitaas ng Imaam ang kanyang ulo mula sa rukoo', magiging kulang na ang rak'ah na iyon, at hindi na ito kukuwentahin na kompletong rak'ah. 

ANG SUJOOD AS-SAHU: 

(Pagpapatirapa dahil sa pagkakamali sa Salaah)

          

Bilang tao, likas sa atin ang magkakamali. Kapag nakagawa ng pagkakamali sa mga itinakdang tungkuling Salaah, o kapag alinlangan sa bilang ng Rak’ah kung ito ba ay kulang o labis, ang dalawang pagpapatirapa (Sajdah Sahw) ay maaaring isagawa matapos iwasto ang pagkakamali at bago wakasan ang Salaah ng Tasleem (Assalamu Alaikum Wa Rahmatullah).

Ang Nabi Muhammad (s.a.w.) ay nagpapatirapa ng sujoodus sahwi kapag siya'y nagkakamali sa kanyang salaah. Sinabi niya: “Katotohanan ako ay tao tulad ninyo nakakalimot tulad ng pagkakalimot ninyo, kapag ako’y nakalimot paalalahanan ninyo ako.”

Ang ibig sabihin ng Sahu:

Ito ay dalawang pagpapatirapa bago ang salaam o pagkatapos ng salaam, dahilan sa pagkalimot na hindi naman makakasira sa dasal, na naalala ng nagsasalah o kaya’y ipinaalala sa kanya.

Ang Patakaran ng Salaah:

          Ang pagwawasto ay isinasagawa lamang kapag ang pagkakamali ay kinabibilangan ng mga mahahalagang haligi ng Salaah katulad ng mga sumusunod:  

 

  1. Ang pagsasabi ng "Allaahu Akbar" (Takbiratul Ihram) sa pagsimula ng Salaah. 
  2. Ang pagbasa ng Al-Faatiha sa lahat ng Rak-’ah.
  3. Ang pagsagawa ng Ruku (pagyuku).
  4. Ang pagsagawa ng Sujud (pagpapatirapa).
  5. Ang pagbasa ng Tashah-hud pagkatapos ng huling Rak-’ah habang nakaupo.
  6. Ang pagsasabi ng Tasleem (Assalamu Alaikum Wa Rahmatullah) pagkatapos ng Salaah.

 

                    Ang babasahin sa Sujoodus Sahwi ay itong sumusunod:

“Sajada wajhee lilladhee khalaqahu wa sawwarahu, wa shaqqa sam-’ahu wa basarahu, bihawlihi wa quwwatihi.”

Paano ang pagsagawa ng Sujood As-Sahwi. 

Alinman sa mga naturang bahagi ng Salaah ang nakaligtaan, kinakailangang ulitin ang buong Rak-’ah na kung saan nakalimutan ang bahagi ng Salaah. Subali't kapag Takbiratul Ihram ang nakalimutan sa umpisa ng Salaah, kinakailangang ulitin ang buong Salaah.

Halimbawa: Kapag ang nagdarasal ay nakalimutan ang pagbasa ng Al-Faatiha.

At ito ay naalaala bago o habang nasa katayuan ng Rukoo’ (nakayuko), kinakailangang tumayo siya at basahin ang Al-Faatiha. Sa kabilang dako naman, kung nakalimutan niyang basahin ang Al-Faatiha at ito ay naalaala lamang nang siya ay nasa pangalawang Rak-’ah na, ang pangalawang Rak-’ah na ito ay mabibilang na unang Rak-’ah lamang sa dahilang ang nauna ay walang saysay o halaga. 

          Matapos iwasto ang pagkakamali, ang pagsagawa ng Sajdah Sahw (dalawang pagpapatirapa dahil sa pagkakamali) ay maaaring gawin bago sabihin ang Tasleem (Assalamu Alaikum Wa Rahmatullah)

Kapag may alinlangan sa bilang ng Rak-’ah (kung ito ba ay isa o dalawa?), piliin ang isa at tapusin ang Salaah mula sa bilang na ito.  Kapag alinlangan naman kung dalawa o tatlong Rak-’ah ang nagawa, ituring na dalawa lamang ang nagawang Rak’ah at tapusin ang Salaah mula sa bilang na ito.  Isagawa ang Sajdah Sahwi bago magsabi ng Tasleem.

ANG SUJOOD AT-TILAAWAH:

(Pagpapatirapa dahil sa pagbabasa ng Qur-aan).

 Ito ay pagpapatirapa na ang layunin ay upang mapapalapit sa Allaah. Mayroong labing-apat na ayah sa Qur-aaan na mayroong Sujood At-Tilaawah.

Ang patakaran nito:

Ito ay Sunnah Mu-akkadah sa mga magbabasa at nakikinig, kapag nagbabasa ang Muslim o kaya’y nakikinig at dumating sa ayah na mayroong sujoodut tilaawah, sunnah sa kanya na magsujood ng minsan lang. Sinabi ni ‘Abdullaah ibn ‘Umar (kalugdan nawa siya ng Allaah): Ang Propeta (s.a.w.) nagbasa sa amin ng soorah sa Qur-aan na mayroong sujoodut tilaawah, siya ay nagpatirapa at nagpatirapa rin kami kasama siya hanggang sa ang ibang sa amin ay hindi na nakakita ng lugar upang magpatirapa.” Pinag-ayunan ng dalawang mananalaysay.

Ang Salah ng dalawang selebrasyon (Eidul Fitr at Eidul Adh-haa):

Mayroong dalawang selebrasyon sa Islam, ito ay ang Eidul Fitr at Eidul Adh-haa.

Ang Eidul Fitr: Ito ay dumarating matapos ang buwan ng Ramadhaan. 

Ang Eidul Adh-haa: Ito ay ang ika-sampong araw sa buwan ng Dhul Hijjah (panghuling buwan ng taon ng Hijri).

Ang oras ng Dasal ng dalawang Eid:  Ito ay isasagawa matapos ang dalawampong minute matapos ang sunrise. 

Ang bilang ng mga rak’ah nitong dalawa: Ito ay may dalawang rak’ah. Matapos ang unang pagtakbeeratul Ihraam, magsasagawa ng takbeer pitong beses bago ang pagbabasa ng sooratul Faatihah. At sa pangalawang Takbeeratul Ihraam ay magsagawa ng limang Takbeer, kasama ang pagtataas ng dalawang kamay sa bawat pagtakbeer.

                 Mula sa mga Gawain ng Eid:

1..Sunnah ang pagsagawa ng Salaatul Eid sa desert, maliban lang kung may ulan at mga katulad nito, doon na magsasagawa ng dasal sa mga masjid.

2..Ang pagliligo at pagsusuot ng pinakamagandang damit.

3..Ang pagbabatian (Taqabballaahu minnaa wa minkum).

4..Ang magandang pakikisama sa mga bata sa araw na iyon.

5..Ang pakikipag-ugnay sa mga kamag-anak at pagbebesita sa mga kapamilya at kapitbahay at pagbati sa kanila.

Mula sa mga Gawain sa Araw ng Eidul Adh-haa:

Ang pagkatay sa mga hayop na isasakripisyo. At ito ay Sunnah sa karapatan ng taong Muslim na may kakayahan bumili. Kakatayin ito matapos ang salaatul Eid at kakain ng karne nito, at magbibigay nito kawanggawa para sa mga dukha at mahihirap.

 

Ang pagsasanay:

1…Ano ang nakakasira sa Ablusyon? ….......................................................................

………………………………………………………………………………………….

2.. Ibigay ang kahulugan ng Salaah: …………………….…………………………….

…………………………………………………………….……………………………

3. Banggitin ang mga kondisyon ng ikakabuti ng Salaah. ……….…………………...

………………………………………………………………….………………………

4..Banggitin ang mga haligi ng Salaah. …………………….…………………………

…………………………………………………………….……………………………

5..Ano ang mga waajib ng Salaah? ………………………….………………………..

……………………………………………………………….…………………………

6..Ipahayag ang pinagkaibahan ng Salaatul Fareedah (nakatakdang dasal) at ang Salaatut Tatawwu’ (boluntaryong dasal).  ……………………………………………..

……………………………………………………………………………………….....

  1. Magbigay ng paliwanag tungkol sa Salaatul Jamaa’ah (dasal na maramihan).
  1. Banggitin ang tungkol sa mga Gawain sa araw ng Eid. ……………….....................

…………………………………………………………………………………………..

Ika-anim na Aralin - AZ-AZAKAAH (Ang Itinakdang Kawanggawa)

 

Ang Lengguwaheng kahulagan ng Zakaah: Ang paglilinis  at Pagpatubo.

At sa Islamikong kahulugan nito:  Ang pagbibigay ng itinakdang bahagi o halaga sa mga ari-arian ng mayayamang Muslim, sa bawat isang kompletong taon at ipamahagi sa kanilang kapwa Muslim na nararapat tumanggap ng Zakaah.

Ang mga Kondisyon sa pagiging Wajib (obligado) ng Zakah:

  1. Kailangan ang kanyang relihiyon ay Islaam, sapagkat ito ay ipinag-uutos kaya hindi maaaring kunin mula sa isang di mananampalataya (Kaafir). 
  2. Ang isang Muslim na mayroong walumpo't limang (85) gramo ng ginto o mahigit pa, o di kaya'y may naipong yaman o perang katumbas ng halaga nito. Maliban lamang sa mga mahalagang dahilan na hindi maiiwasan. Hindi kasama dito ang tao na mas malaki ang kanyang utang kaysa kanyang ari-arian.
  3. Ang naipong yaman o salapi na dinatnan ng al-Hawl (isang taon sa kalendaryong Hijriyyah).

Note: Ang mga Butil at mga Prutas ay hindi kondisyon ang  al-Hawl bagkus ipinamimigay kaagad ang Zakaah  nito sa panahon ng pag-ani. Sinabi ng Allaah: "… At magbayad kayo ng nauukol na kawanggawa rito (ang Zakaah nito) sa araw ng pag-aani…". Sooratul An'aam: 141.

Ang mga ari-arian na obligadong bawasan ng Zakaah:-  

1..Ang mga Ginto at mga Pilak, at anumang bagay na maaaring katumbas nito (katulad ng perang ginagamit). 

2..Ang mga hayop sa rantso (katulad baka, kamelyo at kambing).

3. Ang mga butil, mga prutas, mga negosyong pinagkikitaan, mga nakalibing na kayamanan at mga mina.

Itinakdang Pamantayan at obligadong halaga nito:

Kayamanan Nisaab Bahagdan %
Ginto 85 na gramo 2.5%
Pilak 595 na gramo 2.5%
Ang sukatan sa Nisaab ng salapi. Ang katumbas ng 85 gramo ng ginto. ------

            Kung kailan mag-mamay-ari ang isang Muslim ng salapi na katumbas na halaga ng 85 gramo ng ginto o mahigit pa,  obligado sa kanya na magbibigay ng Zakaah at ito ay 2.5% sa

kabuuan ng kanyang kayamanan.

Ang Mga paninda (Ari-arian) na pinagbibili:

 Ang pananaw ng karamihan sa mga Ulamaa mula sa mga Sahaabah at ang mga Taabi’een, ang Zakaah ng mga Negosyong pinagkikitaan ay Waajib (obligado). Ang sukatan sa Nisaab ng mga paninda na ipinagbibili ay katumbas ng halaga ng 85 gramo ng ginto o mahigit, sa oras na mapag-arian ng isang Muslim at datnan ng Hawl kinakailangan niyang ipamahagi ang 2.5% bilang Zakaah mula sa kabuuan ng kanyang kayamanan.

Ang Butil at Prutas (Mga Ani ng Lupa):

Ang mga produkto mula sa lupa ay mayroon din itinakdang Zakaah kapag ito ay umabot sa limang (5) Awsaq ang isang awsaq ay katumbas ng 60 Sa’a (60 salop) ito ay katumbas na humigit kumulang ng 750 kilo grams kapag hindi umabot ng 5 Awsaq ay walang Zakaah.

 Sinabi ng Propeta Muhammad (Sallallahu Alaihi Wasallam) : ((Walang Zakaah sa hindi aabot sa limang awsaq..)) Isinalaysay ni Imaam Ahmad.

 Ang itinakdang Zakaah sa mga produkto mula sa lupa ay 10% sa mga na-ani kapag ito ay pinatutubigan sa pamamagitan ng ulan o tubig na likas na dumadaloy. Kapag ito naman ay mula sa patubig na ginawa o kaya ginagastusan, ang Zakaah nito ay 5% sa kabuuang ani.

Zakaatul An'aam: (Itinakdang Pamantayan para sa mga Hayop):

Waajib ang Zakaaah sa mga Hayop (Kamelyo, Baka, Tupa a Kambing) kapag nakompleto rito ang mga kondisyon na sumusunod:

-Kapag umabot sa Nisab (Itinakdang Pamantayan).

-Kapag nakompleto rito ang hawl, isang kompletong taon.

-Kapag ito ay malayang ipastol (manginain ng damo), (Ang ibig sabihin hindi bumibili ng pagkain ang may-ari para sa  mga hayop na ito).

Makikita sa Table ang kapahayagan ng mga Nisaab ng mga hayop:

Mga Hayop Nisab Zakaah
  5 - 9 Shaatun (1 Tupa na ang edad ay isang taon).
10 - 14 Shaataani (2 Tupa na ang edad ay tig-iisang taon).
15 - 19 3 Sheyaah (3 Tupa na ang edad ay tig-iisang taon).
20 - 24 4 Sheyaah (4 na Tupa na ang edad ay tig-iisang taon).
  25 - 35 Bintu Makhaadh (1 Babaing Kamelyo na ang edad ay 1taon).
Kamelyo 36 - 45 Bintu Laboon (1 Babaing Kamelyo na ang edad ay 2 taon).
46 - 60 Hiqqah (1 Babaing Kamelyo na ang edad ay 3 taon).
61 - 75 Jad'ah (1 Babaing Kamelyo na ang edad ay 4 taon).
76 - 91 Bintaa Laboon (2 Babaing Kamelyo na ang edad ay 2 taon).
91 – 120 Hiqqataan (2 Babaing Kamelyo na ang edad ay 3 taon).
Baka 30 - 39 Tabee' (1 Bisiro na ang edad ay 1 taon).
40 - 59 Musinnah (1 Bisiro na ang edad ay 2 taon).
60 - 69 Tabee'aan (2 Bisiro na ang edad ay 1taon).
70 - 79 Musinnah at Tabee' (1 Bisiro na ang edad ay 2 taon at 1 Bisiro na ang edad ay 2 taon).

Tupa at

Kambing

80 Musinnataan (2 Bisiro na ang edad ay tigdadalawang taon bawat 1).
40 – 120 Shaatun (1 Tupa na ang edad ay 1 taon).
121 – 200 Shaataani (2 Tupa na ang edad ay tig-iisang taon).
201 – 300 3 Sheyaah (3 Tupa na ang edad ay tig-iisang taon bawat isa).
Kapag sumobra sa 300 sa bawat 100 ay 1 (Isang) tupa ang Zakaah.

Zakaatur Rikaaz: 

 Ang Rikaz  ay ang kayamanan  na nakatago sa ilalim ng lupa kung sinumang Muslim ang makatagpo ng ganitong kayamanan karapat-dapat na kunan ng Zakaah na one-fifth o katumbas ng 20% sa oras mismo ng pagkakuha niya nito.

 ((Ang Mina ito yaong mga bagay na linikha ng Allah  na nakabaon sa ilalim ng lupa na mayroong halaga katulad ng Ginto, Pilak, Bakal, Tanso, Gasolina, at mga mamahalin na bato at iba pa. Kapag ito ay inilabas mula sa lupa at umabot sa Nisab karapat-dapat ilabas ang 1/5 o katumbas ng 20% bilang Zakaah)).

Ang mga dapat tumanggap ng Zakaah:-

  1. Al-Fuqaraa: (Ang mga Naghihikahos; mga taong umaasa lamang mula sa tulong ng kanyang kapwa, maging ito man ay pansamantala o pirmihan. Sila ay maaaring mga ulila, may kapansanan, biyuda o biyudo, mga matatanda, mga walang hanapbuhay o yaong inabutan ng sakuna o kalamidad).
  2. Al-Masaakeen: (Ang mga Dukha; ang Miskeen ay isang taong mahirap ngunit dahil sa kanyang pag-galang sa sarili hindi niya magawang humingi o mamalimos. Ito ay batay sa sinabi ng Propeta Muhammad (Sallallaahu Alayhi Wasallam) "Sinuman ang hindi nakakuha nang sapat upang tugunan ang kanyang pangangailangan ngunit hindi namamalimos o hindi nakikita sa kanya ang pagiging mahirap, siya ay isinasaalang-alang bilang mga Masaakeen). 
  3. Al-'Aamileena 'Alayhaa: Ang mga Tagapamahala ng Zakaah; ang mga taong itinalaga ng Islamikong Pamahalaan na maglikom at mamahagi ng Zakaah ay dapat bigyan mula sa kaban ng Zakaah.
  4. Al-Mu'allafatu Quloobuhum: Mga Taong sinasanay ang kanilang  mga puso (sa Islam); ito ay nauukol sa pagbibigay-tulong sa mga taong ang puso'y malapit sa Islam. Maaaring sila ay mga di-Muslim o mga bagong Muslim sa pag-asang lumakas ang kanilang pananalig sa Islam.
  5. Fee ar-Riqaab: Ang pagpapalaya ng Alipin; sila ang mga taong nagnanasang makalaya mula sa pagkakaalipin.
  6. Al-Ghaarimoon: Mga taong baon sa utang; sila ang mga taong baon sa utang at wala ng pag-asang makaipon pa upang bayaran ang kanilang pagkakautang.
  1. Fee Sabeelillah: Ukol sa Landas ng Allah; ang mga taong nakikibaka sa landas ng Allah, sakop din sa kategoryang ito ang lahat ng pagsisikap upang maipalagananap ang mensahe ng Islam.
  2. Ibn as-Sabeel: Mga taong manlalakbay na kinapos ng panustus sa daan; kabilang dito ang sinumang naglalakbay na natigil dahil sa kakulangan ng magagastos o dahil sa sakuna.

Ang parusang nakalaan para sa hindi nagbibigay ng Zakah:

 Sinumang hindi nagbibigay ng zakah mula sa kanyang ari-arian ay paiinitin ito sa apoy ng impiyerno at itatak sa kanyang  noo, tagiliran, likod. Ang Allah ay nagsabi sa qur-an :

 “….. At yaong mga nagtatago ng kanilang kayamanan na hindi nila ibinibigay ang Zakaah nito, at hindi nila inaalis mula rito ang anumang karapat-dapat na ipamahagi sa nangangailangan, ipamalita mo sa kanila ang masidhing kaparusahan. (34) Sa Araw ng Muling Pakabuhay, ilalagay ang mga pirapirasong ginto at pilak sa Apoy ng Impiyerno, at kapag matindi na ang init nito ay itatak (o ihihero) ito sa mga mukha ng mga nagmamay-ari nito, sa kanilang mga tagiliran at sa kanilang mga likuran, at sasabihin sa kanila bilang pagalipusta sa kanila: Ito ang kayamanan na inyong kinamkam sa inyong mga sarili at ginamit ninyo sa pagkontrol sa karapatan ng Allaah, na kung kaya, lasapin ninyo ang masidhing parusa dahil sa kinagawian ninyong pangangamkam at pangunguntrol.” Soorah at-Tawbah: 34-35 .

 Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: "Sinumang taong pinagkalooban ng Allah ng kayamanan tapos ang zakah nito ay hindi niya ibinabayad, sa kabilang buhay ay magiging kalbong ahas dahil sa lason at may dalawang maiitim na tanda nito sa ulo, at kakagitin niya ang dalawang pisngi ng taong hindi nagbibigay ng Zakaah, pagkatapos ito ay magsasabi: ako ang iyong kanz (ang pera na hindi ibinayad sa Zakaah nito) at ako ang iyong ari-arian" Iniulat ni Al-Bukhaaree.

 Ang Pagsasanay:

1..Ibigay ang kahulugan ng Zakaah sa lugah at sa istilaah. ……………………………

…………………………………………………………………………………………..

2..Banggitin ang mga kondisyon ng pagkawaajib ng Zakaah. ………………………..

………………………………………………………………………………………….

3..Anong uri ng mga kayamanan na kailangan bibigyan ng Zakaah? …………………

…………………………………………………………………………………………..

4..Sino ang mga taong dapat na bibigyan ng Zakaah? ………………………………… …………………………………………………………………………………………..

…………………………………………………………………………………………..

5..Banggitin ang dalel (katunayan) ng parusa sa mga hindi magbibigay ng Zakaah. 

…………………………………………………………………………………………

…………………………………………………………………………………………

 

 

Ikapitong Aralin - SAWMU RAMADHAAN (Ayuno sa Buwan ng Ramadhaan)

 

Ang Ayuno: Ito ay ang pagpipigil, dahil sa layunin na pag-iwas sa pagkain at paginom at pagsiping (sa asawa) simula ng pagbubukang liwayway hanggang sa pagtakipsilim.

Ang pamantasan ng pag-ayuno sa Buwan ng Ramadhaan:

 Ito ay waajib (ipinag-uutos). Sinabi ng Allaah: "O kayong mga naniniwala sa Allaah at sumunod sa Kanyang Sugo at tumupad sa Kanyang batas! Ang Pagaayuno ay ipinag-uutos Niya sa inyo, na katulad ng Kanyang pagkaka-utos sa mga nauna sa inyo, nang sa gayon ay magkaroon kayo ng takot sa inyong Rabb na Tagapaglikha, maglagay kayo ng harang sa pagitan ninyo at ng pagkakasala sa pamamagitan ng pagsunod at bukod-tanging pagsamba lamang sa Allaah".

Ang mga Kondisyon ng pagkawaajib ng Ayuno:

  • Ang Islaam (kailangan Muslim).
  • Ang pagsapit ng wastong gulang.
  • Ang nasa matinong kaisipan.
  • Ang Kakayahan.
  • Ang Naninirahan sa pirmihang pook o lugar.
  • Kapag wala pang dugong regla at dugong sanhi panganganak.

 Pinapayagang hindi mag ayuno ang mga nag-lalakbay, ang may sakit, ang buntis at ang nagpapasuso, subalit nararapat nila itong palitan sa ibang araw o mga araw.

At ipinagbabawal na mag-ayuno ang mga babaeng may regla at ang mga bagong panganak (Nufasaa), subalit nararapat nila itong palitan sa ibang araw o mga araw.

Pagpapaingat:

 Kailangan sa mga babaeng may Haydh at Nifaas na magqadhaa (palitan) sa mga araw na hindi nila napag-ayunuhan sa Ramadhaan dahil sa haydh at nifaas, at hindi na sila magkaqadhaa ng Salaah.

Kailan nagiging waajib ang Ayuno sa Ramadhaan?

 Kinakailangan maisagawa ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan kapag nakita ang bagong Buwan ng Ramadhaan  sa ika dalawampu't siyam (29) sa buwan ng Sha'baan  o pagkabuo ng tatlumpung araw (30) ng buwan na ito Sha'baan dahil sa ulap at ibapa na hindi nakita ang bagong buwan .

 Ang Sinabi ng Propeta Muhammad s.aw.: "Mag-umpisa kayo ng pag-aayuno kung kailan ninyo makikita ito (Ang Buwan ng Ramadhan) at tatapusin ninyo ang inyong pag-aayuno kung kailan ninyo nakita ito (Ang Buwan ng Shawwal), at kung natabingan sa inyo (Ang Buwan) kumplituhin ninyo ang bilang ng Buwan ng Sha’abaan na 30 araw".

ANG ILAN SA MGA SUNNAH NG AYUNO

  1. Sahoor:

 Ito ay pagkain bago sumikat ang madaling araw sa Buwan ng Ramadhaan. Sunnah ang pagsagawa nito sa huling oras bago magbubukang liwayway.

  1. Ang Pag-iftaar sa mga Prutas:

                      Sunnah ang pagsagawa nito ng maaga sa mismong oras ng pag-athaan.

k. Ang Salaah na Taraaweeh:

 Ito ay Sunnah na Salaah na isinasagawa sa Buwan ng Ramadhaan. Ito ay isinasagawa ng Jamaa-‘ah matapos ang dasal na Ishaa. Ang bilang ng mga rak-‘ah nito ay labing-isa, kasama ang shafa’ at witr.

  1. Ang Qiyaam Lailatul Qadr:

 Ito ay gabi na ibinaba ang Qur-aan mula sa ikapitong langit patungo sa pinakahuling langit na malapit sa dunyaa. Ito ay nasa araw na witr, sa loob  sampong  araw ng Ramadhaan.  Sinuman ang magsagawa ng dasal nang may pananampalataya at pag-asang pagpapalain,  pinatawad na ang nagdaan  niyang pagkakasala. Ganoon pa rin na ang pagdasal sa gabing ito ay pinakamainam sa isang-libong buwan na ‘ibaadah. (Mas mainam sa 83 na taon).

  1. Al-I’tikaaf (Ang pamamalagi sa Masjid):

 Ito ay pananatili sa Masjid at pagiging masigasig sa pagsamba sa Allaah, at huwag lumabas maliban lang kung talaga kailangan. Sa katotohanan ang Propeta s.a.w. ay palaging nanatili sa loob ng Masjid kapag paghuling sampong araw na ng Ramadhaan. Ito ay hindi Waajib.

ANG NAKAKASIRA SA PAG-AAYUNO

  1. Ang pagkain at pag-inom at ang kapareho ng dalawang ito, katulad ng nutritious injection at paninigarilyo na sinadya sa Araw ng Ramadhaan.
  2. Ang pakipagtalik sa asawa sa Araw ng Ramadhaan.

3.Ang sinadyang pagsuka.

4.Ang paglabas ng punlay (semilya) dahil sa kanyang kagustuhan tulad ng paghalik o pagsiping sa asawa.

5.Ang Hayd at Nifaas sa kahit anong oras sa araw ng Ramadhaan.

Pagpapaingat:

 Sinuman ang nakakain o nakainom sa Araw ng Ramadhaan dahil nakalimot na siya ay nag-ayuno kailangan niyang ituloy ang pag-aayuno, at huminto sa pagkain o pag-inom kapag nakaalala na siya ay nag-aayuno.  Ang kanyang ayuno ay kompleto, at hindi niya ito papalitan sa ibang araw sapagkat ang kanyang ayuno ay may bisa pa..

MGA KAGANDAHAN NG PAG-AAYUNO

 1..Mapapalapit sa Allaah at mailalagay ang sarili sa kapanatagan. 

  1. Masasanay sa pagpipigil sa sarili mula sa masasamang hangarin.
  2. Madarama niya ang kahirapan ng mga Fuqaraa (mahihirap).
  3. Matututo  sarili sa pagtitimpi.
  4. Magiging malusog ang katawan.

ANG MGA URI NG MGA AYUNONG SUNNAH

Ang pag-aayuno ng anim na araw sa Buwan ng Shawwal:

 Sinuman ang magsasagawa ng pag-aayuno sa buwan na ito pagkatapos ng Ramadhan, katumbas na nag-ayuno ng isang taon.

Ang pag-aayuno sa Araw ng Arafah (Ika-siyam ng araw ng Dhul Hijjah): Ang gantimpala ng pag-aayunong ito ay mapapatawad ang kanyang kasalanan sa loob ng dalawang taon; ang nakaraang taon at ang taon na darating.

Ang pag-aayuno sa Buwan ng 'Aashoorah (Iika-10 sa buwan ng Muharram): Ang pag-aayunong ito mapapatawad ang kasalanan nagawa sa nakaraang taon. rekomindado na isamang pag-ayunuhan ang ika 9 ng Muharram.

Ang pag-aayuno ng tatlong araw  sa bawat buwan:

Ang tawag rito ay Ayyamulbeed. (Ika-13, 14 at 15 na mga araw sa bawat buwan)  mga puting araw.

Ang pag-aayuno sa araw ng Lunes at araw ng Huwebes:

Dahil sa dalawang araw na ito ini-aakyat ang talaan ng mga pinaggagawa ng tao.

ANG MGA IPINAGBABAWAL NA PAG-AAYUNO

Ipinagbabawal ang pag-aayuno sa araw ng dalawang Araw ng Eid; (ang Eid alFitr at Eid al-Adh-haa):

 Tunay na ang Propeta Muhamad s.a.w. ay ipinagbawal niya pag-aayuno mga araw na ito.

Ang mga Araw ng Tashreeq: (Ika-11, 12 at 13 sa Dhul-Hijjah):

            Kapag ang nagsasagawa ng Hajj ay mayroon siyang pambayad para saHadyi. (Hadyi, ang tupang kinakatay para sa Hajj).

 

ANG MGA DI KANAIS-NAIS NA PAG-AAYUNO

Ito ang mga araw na sumusunod:

a..Pantanging pag-aayuno sa buwang Rajab sapagkat ang Sugo ng Allah ay ipinagbawal Niya ang ganitong pag-ayuno.

 b..Pantanging Pag-aayuno sa araw ng Beyernes sapagkat ang Sugo ng Allah ay ipinagbawal Niya ang ganitong pag-ayuno.

 k..Pantanging Pag-aayuno sa araw ng Sabado .

Ang Pag-ayuno sa Araw ng Shak (Pinagdududahang araw, huling araw ng buwan ng Sha’baan o umpisa ng Ramadan ):

  Tunay na ang Propeta Muhamad s.a.w. ay ipinagbawal niya pag-aayuno mga araw na ito.

SADAQATUL FITR: Ito ay palatandaan na magtatapos na ang Buwan ng Ramadhaan. Ito ay mula sa mga kawanggawa na ipinag-uutos ang pagsagawa. Ibibigay ito ng isang Muslim para sa kanyang sarili, asawa, anak  at sa mga taong nasa kanyang katungkulan (katulad ng kanyang asawa at mga anak at malalapit na kamag-anak).

             

Ang dami o halaga na ibibigay para na Sadaqatul Fitr:

 Para sa isang tao ay isang Saa’ katumbas ng dalawa’t kalahating kilo mula sa pagkain tulad ng wheat, Barley, Trigo at Dates o dili kaya yaong pangunahing pagkain ng bansa katulad ng bigas. 

Ito ay ipamimigay sa mga Dukha, Maralita na nangangailangan:

 Ang oras ng pamimigay nito: Ipinag-utos ng Propeta Muhammad (Sallallaahu Alaihi Wasallam) na ipamimigay ito bago isagawa ang Salaatul Eid, at maaring ipamimigay ito sa loob ng isang araw o dalawang araw bago magsagawa ng SalaatulEid, subalit ang pinakamainam na oras ng pamimigay nito ay sa araw ng Eid bago magsagawa ng Salaatul Eid.

Paalaala: Maaaring ipamimigay ang Zakaatul Fitr sa pamamagitan ng kanyang halaga na salapi, subalit ang pinakamainam na ipamimigay ay ang pagkain.

 Ang Pagsasanay:

1..Ibigay ang kahulugan ng Sawm (pag-aayuno) sa lugah at Istilaah? ………………

…………………………………………………………………………………………

2..Banggitin ang daleel (patunay) na ang ayuno ay ipinag-uutos mula sa Quraan. …..

………………………………………………………………………………………….

3..Ano ang mga kondisyon sa pagiging waajib ng Ayuno.  …….……………………. 

………………………………………………………………………………………….

4..Banggitin ang iilan sa mga sunnah ng Ayuno.  …………………………………….

………………………………………………………………………………………….

5..Ang mga nakakasira sa Ayuno? ……………………………………………………

………………………………………………………………………………………….

6..Ano ang mga kadahilanan na maaring pagbigyan ang tao na hindi mag-aayuno sa araw ng Ramadhan:

  1. ……………………………………………………………………………………….
  2. ……………………………………………………………………………………….

k. ……………………………………………………………………………………….

Ikawalong  Aralin - AL-HAJJ WAL 'UMRAH (ANG HAJJ AT 'UMRAH)

 

Ang Hajj: 

 Ito ay ang paglalakbay patungong Baytullaahil Haraam sa Makkah AlMukarramah upang isagawa ang pribadong pagsamba na may mga pribadong kondisyon (mga gawain sa Hajj).

 Alituntunin ng Hajj: 

                    Ito ay obligado sa mga Muslim minsan sa buong buhay.

 Mga Kondisyon sa pagsasagawa ng Hajj:

1..Ang Islam o pagiging Muslim.

2..Nasa matinong kaisipan.

3..Nasa tamang gulang.

4..May kakayahang magsagawa ng Hajj (malusog ang pangangatawan).

Arkaanul Hajj (Ang mga Haligi ng Hajj)

 Al-Ihraam (Ang pagsusuot ng mapuputing damit na walang tahi).:

 Ito ay ang hangarin sa pagsisimula sa mga gawain ng Hajj sa partikular na lugar o himpilan (Meeqat).

Ang mga himpilang ito ay lima:

a..Zulhulaifah  b. Al-Juhfah o Raabigh. k. Qarnul Manaazil   d.Yalamlam e. Zaat Irq. 

 Al-Wuqoof bi Arafah: 

 Ito ay ang pundasyon na haligi sa pagsasagawa ng Hajj. Sinabi ng Propeta s.a.w.: "Ang Hajj ay pananatili sa 'Arafah".

Kailangan ay manatili sa Arafah mula sa tanghali ng ika-siyam na araw ng Zulhijjah hanggang sa paglabas ng Fajr sa araw ng Nahr (Ikasampo ng Zul Hijjah).

Tawaf al-Ifaadah:

 Ito ay ang pagsasagawa ng Tawaaf ng pitong libot sa Baytullaah matapos ang wuqoof sa Arafah at ang pagtulog sa muzdalifah.

Ang pitong beses na Saeey: 

 Sa pagitan ng Safaa at Marwaa: (Magsisimula sa bundok ng Safaa patungong bundok ng Marwah, ito ay isang round. Pagkatapos ay babalik mula sa Marwaa patungong Safaa, ito ay pangalawang round. Ganoon rin hanggang sa makompleto ang pito).

 Mga kaugalian sa Ihraam:

  1. Ang paglilinis, ito ay ang pagpuputol ng mga kuko (sa mga kamay at paa), at ang pagbunot ng mga buhok sa kilikili, at pag ahit sa mga bulbol, at paliligo. 
  2. Ang pag-iwas ng mga lalaki sa mga damit na may tahi; at magsuot ng dalawang damit na maputi ang kulay, ito ay ang reda (balabal na puti), at ang izar (tapis na puti). 3. Ang tungkol naman sa mga babae, sila ay maaaring magsuot ng anumang  naisin nilang damit na nakakatakip ng mabuti sa kanilang sarili (at huwag magsuot ng gloves sa kanilang mga kamay at huwag takpan ang kanilang mga mukha maliban lang kung kinakailangan). 
  3. Magpabango sa katawan (bago magsuot ng Ihraam). 
  4. Pumunta sa Masjid at magsagawa ng dalawang rak'ah na Salaah para sa Ihram.

Mga Gawain na Ipinagbabawal gawin ng Isang Muhrim:

1..Ang pakikipagtalik o anumang uri na seksual na ugnayan.

2..Ang magsuot ng damit na may tahi (o kinilayan, ito ay ipinagbabawal sa lalaki lamang).

3..Ang pag-aasawa o pakikipagkasunduan sa pag-aasawa sa kanyang sarili o sa ibang tao.

4..Ang pagputol o pagtanggal ng kuko sa kamay at paa, at ang pag-ahit o paggunting ng alinmang buhok o balahibo sa anumang bahagi ng katawan nang walang katanggap-tanggap na kadahilanan.

5..Ang paglagay ng pabango sa katawan o kasuotan, babae man o lalaki.

6..Ang pangangaso (hunting) sa desyerto.

Ang mga bagay na Nakakasira sa Ihraam:

  1. Ar-Riddah (Ang pagtalikod sa Islam).
  2. Ang pakikipagtalik.

Kabilang sa mga kabutihan ng Hajj :

 1..Napapalapit sa Allah ang Kataastaasan, sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang kautusang pagsagawa ng Hajj.

2..Nagpapaalala sa mga Muslim sa kanilang pagtayo sa harapan ng Allah sa Araw ng Qiyaamah (Araw ng Pagtayo sa harapan ng Allah) 

3..Naitataguyod ang kapatiran, pagkakapantay-pantay at pagtutulungan sa pagitan ng mga Muslim.

4..Pagdadalisay ng sarili mula sa mga kasalanan at mga kasalanan.

5.. Ang Hajj Al-Mabroor (kompletong Pilgrimino) walang gantimpala kundi ang Paraiso.

Ang Pagsasanay:

 1..Ibigay ang kahulugan ng Hajj at ang patunay nito. …………………………………. …………………………………………………………………………………………..

2..Ano ang kondisyon ng pagiging waajib ng Hajj?............................................................................

3..Ang mga mawaaqeet (beginning point) ng pagsusuot ng Ihraam. …………………. ………………………………………………………………………………………….

4..Pagdugtungin ang pagitan ng mga gawaing Hajj at ang mga oras ng mga gawaing ito:

Ang gawaing Hajj Ang oras nito
Ang dasal na dalawang rak’ah sa Maqaam Ibraahim. Ang pagtungo sa Minaa sa Araw ng Tarwiyah.
Ang pagtayo o pananatili sa Arafah. Ang pamamalagi sa Muzdalifah hanggang Fajr.
Ang pagpunta sa Minah at ang pagpukol ng bato sa Jamaraat. Sa ikawalong araw ng Dhul Hijjah.
Ang pamamaalam na Tawaaf. Matapos ang Tawaaf.
Matapos lumubog ang araw sa ikasiyam na Araw. Sa ikasiyam na araw ng Dhul Hijjah.
Kapag gusto nang bumiyahi pabalik sa kanyang lugar. Sa umaga ng Eid.

  

5..Banggitin ang tungkol sa kabutihan ng Hajj. ………………...................................... …………………………………………………………………………………………………

 

Search Videos

Ang lahat po ng larawan na naitala o makikita dito ay kabahagi lamang ng mga ibat ibang programa o activities ng aming Islamic Dawah Center.

 

Go to top