Ano ang Madrasah Education System?
Ang edukasyon ay isa sa mga karapatang pantao. Ito ay naglalayun na magbigay alam sa mga tao upang matututo ng mga bagong aral. Sinasabi na dapat ay magkaroon ng pantay pantay na kalidad na edukasyon ang bawat tao kahit anuman ang lahi. Sa panohong ito, marami na rin ang mga muslim sa Pilipinas. Sinasabing Islam ang pangalawang relihiyon sa Pilipinas. Halata naman na may pagkakaiba ang kultura ng mga Muslim at mga Pilipino mula sa kanilang pananamit at pananalita at paniniwala. Kaya naman pati sa edukasyon ay may kaibahan ang dalawang grupo.
Ang mga asignatura sa Pilipinas ay siyensya, matematika, Ingles, kasaysayan, Filipino, Pisikal at Sining, at tungkol sa Kristiyanismo. Samantalang ang sa mga Muslim naman ay kailang na kailangan pag-aaral ang Quran. Sinasabing kailangan nila itong makabisado upang sila ay may gabay sa buhay. Ang Quran ang nagsisilbing pamantayan sa mga dapat gawin ng mga muslim.
Ano nga ba ang Madrasah Education?
ito ay Arabic na salita sa "paaralan" hindi ito ginagamit na literal na kahulugan ngunit ang sistema ng edukasyon dito ay nagbibigay diin sa karununga't bumasa at sumulat ng Arabic, halaga ng Islam at ang relihiyon ng Islam. "Kahalagahan ng Islam" ang pandaigdig na moral na mahalaga sa Islam
Ang Madrasah Curriculum ay ang sinusunod ng mga Muslim sa kanilang pag-aaral. Ang madrasah ay ang sinusunod na sistema ng edukasyon ng mga Muslum. Mula rito, ang mga pag-uugali at kasanayan ng mga Muslim ay nabibilang. Ayon sa kasaysayan, Madrasah ang unang edukasyon dito sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila/Amerikano sa bansa. Ngunit sa paglipas ng panahon ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay ginamit na rin ng mga Muslim sa kanilang pag-aaral.
May tatlong uri ng Madrasah.
Ito ay ang mga sumusunod:
1. Tradisyonal na Madrasah- ito ay ang pagtititpo ng mga muslim para maituro sa kanila ang Quran. Kadalasang ito ay nagaganap tuwing Sabado o LInggo o sa mga napagkasunduang araw na pagtitipo.
2. Pormal na Madrasah- Ito ang pagtutro ng Quran mula kinder hanggang kolehiyo. Ito ay nagaganap sa loob ng paaralan.
3. Integrated Madrasah- ang pagsasama ng kurikulo ng Pilipinas at ang Arabic na mga aral.
Sa kasalukuyan, ayon sa isang babaeng muslim na aming nakapanayam at nagbigay ng lektyur, ang mga kababaihang muslim ay pinapahintulutan nang makapagaral sa labas ng kanilang nga kabahayan. Sila ay maaring mag aral na sa mga pribado at publikong mga paaralan at mga unibersidad.
Totoo ngang napakaimportante ng edukasyon sa ating mga buhay. Kaya't karapat dapat lamang bigyan ito ng pansin at gawing abo't kamay sa lahat ng lahi at relihiyon. Maari mang manggaling tayo sa iba't ibang reihiyon, hindi dapat ito maging hadlang sa ating pagkamit ng ating mga hinanhangad at pangarap sa buhay.
Bibliograpiya
Rico,M (2011) Madrasah education. Retrieved on March 26,2014 from http://www.slideshare.net/gellerico/madrasah-education-7182369