المس توى الأول - LEVEL ONE
Part 3
SILABUS
NG MGA ARALIN
PARA SA UNANG BAYTANG
PAUNANG SALITA
Sa Ngalan ni Allah Ang Maawain Ang Mahabagin
Alhamdulillah, was-Salaatu was-Salaamu 'alaa Rasoolillaah wa 'alaa Aalihi wa Ashaabihi wa man Tabi'ahum bi-ihsaan ilaa yawmiddeen. Ammaa ba'd.
Mga kapatid na mga mag-aaral, ang maliit na sinulat na ito ay upang magamit ninyo na gabay at mababasa sa ating pag-aaral. Ito ay pansamantalang translation mula sa aklat na ginagamit sa ating pag-aaral sa Islamic Studies Course Level – 1 at dinagdagan ng mga tinipon mula sa iba’t-ibang mga pamphlets na nakasalin sa Tagalaog, ayon sa mga paksang nakatakdang pag-aaralan sa level na ito. Nais naming ipagbigay-alam sa inyo na ito ay pansamantala at pang madalian lamang dahil hindi pa kompleto ang pagkagawa nito at hindi pa nabasa ng aking mga kasama upang iwasto kung mayroong mga dapat iwasto. Ang totoo hindi pa namin ito na-review ng mabuti, alam kobatid naming posibleng may makikita kayong mga mali o hindi tama ang pagka type at pagka tagalog. Kaya kami ay humihingi ng paumanhin sa mga mag-aaral at sa sinumang posibleng makakabasa nito, huwag ninyong ilagay sa inyong mga isipan at kalooban na bakit namimigay sila ng ganitong materyales na mayroon pang maraming mali. Uulitin namin, ito po ay hindi pa tapos.
Hihingin rin namin ang inyong tulong na kahit ano o saang parte sa notes na ito ang makita ninyong mali, pakisabi nyo na lang sa amin upang ito'y aking maiwasto. Ang Allah ang magbibigay sa atin ng gantimpala ayon sa ating nilalayon. O Allah! Ibigay Mo po sa amin dito sa mundo ang kabutihan at ganoon din Huling Araw, at iligtas Mo po kami mula sa parusang Apoy. Ameen.
Ust. Homer Pagayawan
Islamic Studies Section
2013
Al-AQEEDAH Al-ISLAAMIYYAH
ANG MGA PAMAGAT NG MGA PAG-AARALAN SA AQEEDAH UNANG BAYTANG
Unang Aralin - ASH-SHAHAADATAAN (Ang Dalawang Pagsasaksi)
Ikalawang Aralin - Ang Anim na Pundasyon ng Pananampalataya
Ikatlong Aralin - UNANG HALIGI: AL-EEMAAN BILLAAH
Ika-apat na Aralin - PANGALAWANG HALIGI: AL-EEMAAN BIL MALAA-IKAH
Ikalimang Aralin - PANGATLONG HALIGI: AL-EEMAAN BIL KUTUB AS-SAMAAWIYYAH
Ika-anim na Aralin - PANG-APAT NA HALIGI: AL-EEMAAN BIR RUSUL
Ikapitong Aralin - PANGLIMANG HALIGI: AL-EEMAAN BILYAWMIL AAKHIR
Ikawalong Aralin - PANG-ANIM NA HALIGI: AL-EEMAAN BIL QADR
Ikasiyam na Aralin - Ang mga Katangian ng Allah
Maikling pagpapaliwanag sa talambuhay ni Propeta Muhammad
Unang Aralin - ASH-SHAHAADATAAN (Ang Dalawang Pagsasaksi)
Ang Unang Pagsasaksi.
(LAA ILAAHA ILLALLAAH, MUHAMMADUR RASOOLULLAAH) "Walang Diyos maliban kay Allah lamang, at Si Muhammad ay Mensahero ni Allah"
Ang Propeta Muhammad (s.a.w.) ay nagpatuloy sa panahon ng kanyang misyon sa pag-imbita sa mga tao upang manampalataya sa Allah at pagtawheed sa Kanya at pag-iwan sa gawaing pagtambal (shirk) sa Allah at pagsamba sa mga rebulto. At upang maniwala na siya ay Mensahero ng Allah, na ang Allah ay ipinadala siya doon sa lahat ng mga tao upang sila ay gabayan at turuan patungo sa matuwid na landas. At ang pagbigkas ng dalawang pagsasaksi (Ash-Shahaadataan) ay naging susi ng pagpasok ng lahat ng mga kasamahan (Sahaabah) ng Propeta (s.a.w.) sa Islam. At ito ay ginawa ni Abu Bakr As-Siddeeq (r.a.), 'Umar (r.a.), 'Uthmaan bin 'Affaan (r.a.), at 'Ali bin Abee Taalib. Ginawa rin ito Khadeejah bint Khuwaylid at ang iba pang magagalang na mga Sahaabah. At gagawin din ito ng lahat nong mga taong gustong pumasok sa relihiyong Islam at nong mga taong hindi pa kasama sa Islam.
ANG MGA HINIHILING NITO (SHAHADATAYN):
1. Ang kahulugan ng "Walang Diyos maliban si Allah lamang " (LA ILAHA: Walang umiiral na may karapatang sambahin maliban kay Allah. Dahil ang kahulugan ng Al-Ilaah sa lengguwahi ay ang sinasamba, at ang kahulugan ng Laa ilaaha illallaah ay naging: Walang ibang sinamba maliban kay Allah.
2. Pundasyon ng "Laa ilaaha illallaah":
- Walang diyos: Inaalis nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng diyos maliban kay Allah.
- Ang pagpapatunay na maliban kay Allah: Ito ay nagpapatotoo na ang pagsamba ay tanging para kay Allah lamang, walang pagsasama sa Kanya ng anuman o sinuman bilang katambal sa pagsamba sa Kanya at sa Kanyang Kaharian.
3. Ang mga hinihiling at mga kundisyon ng "Walang Diyos maliban kay Allah": Upang maging isang mananampalataya na may matuwid at wastong pananampalataya, hindi sapat na sabihin lamang na; "Walang Diyos maliban kay Allah lamang," sa pamamagitan ng dila. Mayroong mahigit sa walong mga kundisyon na kailangang maisabuhay ng sinumang tumanggap at yumakap sa Tawheed o Kaisahan ni Allah:
1. Kaalaman (Al-'Ilm):
Ang alamin at unawain ang kahulugan ng "Walang ibang Diyos maliban kay Allah lamang"
Sinabi ni Allah: "Kung kaya dapat ninyong malaman na walang may karapatang sambahin maliban kay Allah lamang." Soorah Muhammad: 19.
Si Propeta Muhammad, sumakanya ang kapayapaan ay nagsabi: "Sinuman ang mamatay na nakababatid ng lubos na walang may karapatang sambahin maliban kay Allah ay papasok ng Paraiso." (Muslim).
Kung kaya sinuman ang magpawalang-halaga o hindi lubos na alamin ang kahulugan ng "Walang ibang Diyos maliban si Allah lamang" ay hindi magiging isang tunay na sumasampalataya
2. Katiyakan (Al-Yaqeen):
Ang maniwala ng may katiyakan sa kawastuhan at kadakilaan nito.
Sinabi ni Allah: "Ang mga sumasampalataya ay sila na naniniwala kay Allah at sa Kanyang Mensahero, at pagkatapos ay walang pag-aalinlangan..." Soorah AlHujuraat: 15.
Ang pag-aalinlangan ay ang kabaligtaran ng Katiyakan.
Ang Propeta, sumakanya ang kapayapaan, ay nagsabi: "Walang sinuman na makikipagtipan kay Allah na may pagpapatunay na walang may karapatang sambahin maliban kay Allah at pagpapatunay na ako ay Mensahero ni Allah, at walang pag-aalinlangan tungkol sa pagpapahayag na iyon, kundi siya ay papasok sa Paraiso." (Muslim).
3. Pagtanggap (Al-Qabool):
Ang Tanggapin ito ng buong pananampalataya at mga pananalita - ito ay sa pamamagitan ng puso at dila. Nararapat na tayo ay laban sa mga nagtatanggi nito at mga mapagmataas sa pagbigkas nito ng kanilang mga dila.
Sinabi ni Allah sa mga walang pananampalataya: "Katotohanang nang sabihin sa kanila: "Walang may karapatang sambahin maliban si Allah lamang," sila ay nagmamalaki sa kanilang mga sarili." Soorah Saffaat: 35
4. Pagsuko at Pagpapasakop (Al-'Inqiyaad):
Ang maging matapat sa pagsasabuhay nito sa salita, mga kilos o gawa at pananampalataya.
Sinabi ni Allah: "Kung kaya sambahin si Allah sa pamamagitan ng mga gawaing makadiyos alang-alang tanging kay Allah lamang; katotohanang ang relihiyon ay para kay Allah lamang." Soorah Azzumar: 2-3.
Sinabi ng Propeta, sumakanya ang kapayapaan: "Ang pinakamasayang tao na magkakaroon ng karapatan sa aking pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom ay siya na nagsasabing, "Walang Diyos maliban kay Allah lamang na may katapatan sa kanyang puso." (Bukhari). Ang katapatan ay salungat sa pagkilala sa maraming diyos.
5. Pagiging Makatotohanan (As-Sidq ):
Upang sumunod at sumuko, ng walang anumang pag-aatubili na inihayag ng mga pananalita ng Tawheed, at upang ito ay maisakatuparan ng walang anumang pagkaliban.
Sinabi ni Allah: "At sinuman ang tumalima sa Allâh at siya ay nagpapakabuti, tiyak! Kanyang nahawakan ang pinakamatibay na hawakan. At sa Allah ang pagbabalik ng lahat ng bagay para sa pagpapasiya." Soorah Luqmaan: 22.
Ayon pa rin sa sinabi ni Allah: "Sabihin mo (O Muhammad!): "Katotohanang inihayag sa akin na ang inyong Diyos ay Iisang Diyos. Hindi pa ba kayo magpapasakop?" Soorah Al-Anbiyaa: 108.
6. Katapatan at Kawagasan (Al-Ikhlaas):
Ang maging matapat sa pagbigkas ng mga salita ng Tawheed at ang paniwalaan ito ng matapat.
Sinabi ni Allah: "At tungkol sa mga nagpapahayag ng katotohanan, at pinaniniwalaan ito ng matapat mula sa kanyang puso, sila ang mga matutuwid." Soorah Az-Zumar: Ayah 33.
Sinabi ng Propeta, sumakanya ang kapayapaan: "Sinuman ang magsabi na walang diyos ang
may karapatang sambahin maliban kay Allah, buong katapatan sa kanyang puso ay papasok ng Paraiso." (Ahmad)
Buong katapatan na ang ibig sabihin ay hindi dalawang-mukha, hindi pagkukunwari lamang.
7. Pag-ibig at Pagmamahal (Al-Mahabbah):
Pagmamahal sa mga salita ng Tawhid at pagmamahal sa mga nagsasabuhay nito at sa mga obligasyon nito.
Sinabi ni Allah: "Subalit sila na mga naniniwala ay matindi sa pagmamahal kay Allah." Soorah Al-Baqarah: 165.
Sinabi ng Propeta, sumakanya ang kapayapaan: "May tatlong mga katangian – sinuman ang magtaglay nito ay makatitikim ng tamis ng pananampalataya: Na si Allah at ang Kanyang Sugo, sumakanya ang kapayapaan ay kanilang minamahal ng higit sa anuman, na nagmamahal at hindi nagmamahal sa isang tao alangalang tanging kay Allah lamang, at na siya ay nasusuklam sa pagbabalik sa kawalan ng pananampalataya katulad ng siya ay nasusuklam na maitapon sa apoy." (Bukhari at Muslim)
- Pagtatakwil sa paniniwala sa mga diyos-diyosan, at pagkasuklam sa lahat ng mga sumasalungat sa Tawhd (Al-Kufru bimaa ya'budu min doonillaah). Ayon sa sinabi ni Allah: "Walang pamimilit sa pananampalataya. Katotohanang ang matuwid na landas ay malinaw laban sa pagkaligaw. Sinuman ang magtakwil sa paniniwala sa mga diyos-diyusan at sumampalataya kay Allah, katotohanang nahawakan niya ang mapagkakatiwalaang hawakan na hindinghindi mapupugto. At si Allah ang Nakakarinig at Nakababatid ng lahat ng bagay." Al-Baqarah: 256.
Matuwid na Landas: Ang relihiyon ni Allah at ng Kanyang Mensahero na si Muhammad, sumakanya ang kapayapaan.
Ligaw na Landas: Alinmang relihiyong iba pa sa relihiyon ni Allah.
Mga Huwad na diyos: Lahat ng mga sinasamba bukod pa sa Iisang Tunay na Diyos – Allah.
Sinabi ng Sugo, sumakanya ang kapayapaan: "Siya na nagpatunay na walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban si Allah lamang, at nagtakwil sa anuman o sinumang sinasamba ng mga tao bukod pa kay Allah, ang kanyang ari-arian at dugo ay magiging sagrado, at ang iba pa ay ayon sa kapasyahan ni Allah." Iniulat ni Muslim.
Ang Pangalawang Pagsasaksi.
Ako ay nagsasaksi na tunay na si Muhammad ay Sugo ni Allah.
- Ang kahulugan ng Muhammadun Rasoolullaah:
Ang pagsasaksi na si Muhammad (s.a.w.) ay tunay na Sugo ni Allaah. Napapaloob dito ang pagsunod sa kanyang mga katuruan, ang paniniwala sa kanyang mga ipinangaral mula kay Allaah, at talikuran ang kanyang mga ipinagbabawal na nasa Qur-aan at Sunnah. Ang Propeta Muhammad (s.a.w.) na anak ni Abdullah na anak ni Abdul Muttalib Al-Haasimee Al-Qurashee Sugo mula kay Allah, ang sagka (panghuli) sa mga Propeta at Sugo (wala ng Propeta pagkatapos niya). Ipinahayag sa kanya ang Quraan, at siya ay ipinadala ni Allah para sa mga tao at mga Jinn sa kabuuan.
- Ang mga kondisyon ng pagsasaksi, Tunay na si Muhammad ay Sugo ni Allah:
- Ang pagsunod sa kanya sa kanyang ipinag-uutos. Sinabi ng Allah: "At sundin ninyo ang Allah, O kayong mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng Kanyang ipinag-uutos, at pag-iwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal – na katulad ng pagkain mula sa kinita sa patubuan at iba pa; at sumunod kayo sa Sugo upang kaawaan kayo ng Allah at hindi kayo paparusahan."
- Ang pag-iwas sa kanyang mga ipinagbabawal.
- Ang paniniwala sa kanyang ibinalita, kahit ayaw tumanggap ng isipan ng tao.
- Hindi sasamba sa Allah maliban kung ano ang ipinag-utos ng Propeta (s.a.w). Naniniwala ang mananampalataya na si Muhammad (s.a.w.) ay sugo ng Allah para sa mga tao sa kabuuan. Siya ay ipinadala ng Allah sa lahat ng mga Ummah sa mga tao. Hindi lamang partikular para sa kanyang mga nasyon (qawm) ngunit dala na rin niya ang ibang mga sugo. At siya ang pinakahuling Propeta at Mensahero, wala nang Mensahero sa hulihan niya, at wala ng Propeta matapos siya.
Sinabi ng Allah: "Si Muhammad ay hindi ama ng kahit sinuman sa inyo na mga kalalakihan, kundi siya ay Sugo ng Allah at ang pinakaselyado o pinakahuli sa lahat ng mga Propeta, kaya wala ng Propetang isusugo pagkatapos niya hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At ang Allah ang 'Aleem' – Ganap na Nakakaalam sa lahat ng bagay na inyong ginagawa at walang anuman ang naililihim sa Kanya." Soorah Al-Ahzaab.
At ipinadala ng Allah ang kapahayagan sa Kanyang Propetang si Muhammad (s.a.w.) ng siya ay sumapit sa edad na apatnapung taong gulang. Mula nong bata pa lamang siya ay nakilala na siya sa kanyang pagiging makatotohanan mapagkatiwalaan. At nagpatuloy ang Propeta Muhammad (s.a.w.) sa loob ng labing-tatlong taon sa Makkah sa paghikayat sa mga tao na maniwala sa Kaisahan ng Allah at sa pagsamba sa Allah na nag-iisa. Naniwala sa kanyang paghikayat ang iilan sa mga tao at sila ay nagtiis sa kasupladuhan at pananakit ng mga Quraysh sa kanila. Pagkatapos sila ay lumisan patungong Madeenah at nanirahan doon sa loob ng sampong taon. At sa panahong ito ay kanyang napalagap ang kanyang paghihikayat (da'wah), at nakatayo na ang kanyang bansa, at dumami ang bilang ng mga Muslim. At pumasok ang mga tao sa relihiyon ng Allah (Islam) ng grupo-grupo hanggang sa umabot ng mahigit isang daang libong Muslim ang bilang ng mga Muslim na naging kasama ng propeta (s.a.w.) sa Hajjatul Wadaa sa ika-sampong taon ng Hijrah.
Ang mensahe ng Propeta (s.a.w.) ay pangkalahatan para sa lahat ng mga tao, babae at lalake at kahit anong kulay, kahit anong lugar, kahit anong salita, kahit ipinangak sa panahon ng Propeta (s.a.w.) o di kaya'y ipinanganak matapos na mamatay ang Propeta (s.a.w.) hanggang sa Araw ng paghuhukom. Ang kanyang mensahe ay para sa lahat ng mga tao hanggang Araw ng Paghuhukom, dahil napapaloob dito ang mga makakabuti sa kanilang buhay at kabuhayan. At ito ay mag-aayos sa sistema ng kanilang buhay at relihiyon katulad ng pagdadasal (salaah), pag-aayuno, kawanggawa, Hajj, mga transakyong may kaugnayan sa pera, pag-uugali at mga asal. At itinuro ng Quraan ang pangkabuuan mensahae ng Propeta (s.a.w.), at nagsabi: "Sabihin mo O Muhammad, sa mga tao, lahat sila: Katiyakan, ako ay Sugo ng Allah sa inyong lahat, na ito ay para sa inyong lahat-lahat at hindi sa iilan lamang – na Siya, ang Allah ang Nagmamay-ari ng boung kalangitan at ng kalupaan at ng anumang mga nasa loob nito. Walang sinuman ang Ilaah o diyos na sinasamba o dapat na pagukulan ng bukod-tanging pagsamba kundi Siya lamang, Siya lamang ang may karapatan nito at kapat-dapat para rito, ang Kapuri-puri at Kataas-taasan, na Mkapangyarihan sa pagsagawa ng Kanyang nilikha, na Siya ang nagbibigay ng buhay at nagsasanhi ng kamatayan at magbubuhay na mag-uli (sa lahat). Na kung kaya, maniwala kayo sa Allah at tanggapin ninyo ang Kanyang Kaisahan sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya ng bukod-tangi at sundin ninyo ang Kanyang Sugo na si Muhammad (s.a.w.), ang Propetang hindi marunong bumasa't sumulat, na siya (Muhammad (s.a.w.)) ay naniniwala sa Allah at sa anumang ipinahayag Niya sa kanya, at sa anumang ipinahayag sa mga Propeta na nauna kaysa sa kanya, at sundin ninyo ang Sugong ito at ipatupad ninyo ang pagasagawa ng lahat ng anumang ipinag-utos niya sa inyo bilang pagsunod sa Allah; at paghahangad na kayo ay gabayan sa Matuwid na Landas." Soorah Al-A'raaf: 158.
Katotohanan ipinahayag ng Allah ang Quraan sa Kanyang Mensahero na si Muhammad (s.a.w.) sa pamamagitan ng Anghel na si Jibreel (a.s.), at ito ay isa sa mga aklat na mula sa langit. Nasakop nito ang mga batas at mga pamamaraan na magiging dahilan na masaya ang mga tao sa kanilang buhay. At ito ay makakapag giya upang sila ay magtagumpay sa mundo at sa huling araw. Ang Allah mismo ang nangako na poprotektahan niya ang Kanyang Banal na Aklat laban sa posibleng pagsira at pagpalit hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Sinabi ng Allah: "Walang pag-aalinlangan, Kami ang nagbaba ng Quraan kay Propeta Muhammad at walang pagaalinlangan na Kami rin ang patuloy na mangangalaga nito mula sa pagdaragdag o pagbabawas, o sa anumang kasiraan." Soorah Al-Hijr.
Kung kaya ito ang nag-iisang Aklat na ipinahayag mula kay Allah na talagang hindi na corrupt at never na macocorupt o mababago.
Pagsasanay:
1.. Ano ang mga pundasyon ng Islam?
a. …………………………. b. ………………………… k. …………………………
d. …………………………. e. ………………………….
- Ano ang unang Rukn ng Arkaanul Islam?
………………………………………………………………………………………..
- Banggitin ang reference mula sa Sunnah tungkol sa mga pundasyon ng Islam.
…………………………………………………………………………………………
………………………………………………………………………………………..
- Ano ang Kahulugan ng ‘Shahaadah An laa ilaaha illallaa?
…………………………………………………………………………………………
………………………………………………………………………………………..
- Ano ang mga pundasyon ng Laa ilaaha illaallah?
…………………………………………………………………………………………
…………………………………………………………………………………………
- Ano ang mga kondisyon ng "Laa ilaaha illallaah"?
…………………………………………………………………………………………
………………………………………………………………………………………..
- Kailan magbebenifit ang taong nagsasabi nito?
………………………………………………………………………………………
9.Ano ang kahulugan ng pagsasaksi kay Muhammad na Sugo ng Allah?
………………………………………………………………………………………
………………………………………………………………………………………......
Ikalawang Aralin - Ang Anim na Pundasyon ng Pananampalataya
(Arkaanul Eemaan)
ANG MGA SALIGAN NG ISLAMIKONG PANINIWALA
Ang Pananampalatayang Islam – tulad ng unang naisalaysay – ay Paniniwala at Batas. At tunay na ating tinalakay ang ilan sa mga Batas nito, At nabanggit natin ang mga Saligan nito, na siyang tinataguriang mga Batayan sa mga Batas nito.
At tungkol naman sa Islamikong Paniniwala, samakatuwid ang mga Batayan nito ay anim, At ito ay tinatawag na:mga Saligan ng Pananampalataya:
ANG MGA SALIGAN NG PANANAMPALATAYA.
1-Ang Paniniwala sa kaisahan ng Allah.
2-Ang Paniniwala sa mga Anghel.
3-Ang Paniniwala sa mga Kasulatan.
4-Ang Paniniwala sa mga Sugo.
5-Ang Paniniwala sa Kabilang buhay.
6-Ang Paniniwala sa Itinakdang kapalaran, ang mabuti at masama nito.
At ang katunayan ng mga haliging ito ay mula sa Aklat ng Allah at ng Sunnah ng Kanyang Sugo (s.a.w.) ay kapwang nagpatunay sa mga Saligan na ito:
1.. Sinabi ng Allah: "Ang Kabutihan ay hindi ang inyong pagharap sa inyong mga mukha sa dakong silangan at sa kanluran, subalit ang (tinaguriang) Kabutihan ay yaong sinumang naniwala sa Allah, sa Huling Araw, sa mga Anghel, sa banal na Kasulatan, at sa mga Propeta". Soorah Al Baqarah: 177.
At tungkol naman sa Qadar, Siya ay nagsasabi: "Katotohanan, Aming nilikha ang lahat ng bagay batay sa Qadar (naitakdang kapasiyahan), At wala ang Aming Kautusan kundi isang beses lang, nang parang kisap mata." SoorahAl-Qamar: 49-50.
- At ayon naman sa Sunnah. Naiulat mula kay Umar (r.a.), siya ay nagsabi: "Nang mga sandaling kami ay nakaupo sa harap ng Sugo ng Allah (s.a.w.) isang araw, biglang may sumulpot sa amin na isang lalaki, na masyadong napakaputi ng damit, masyadong napakaitim ng buhok, ni hindi nahahalata sa kanya ang bakas ng paglalakbay, At walang sinumang nakakaalam sa amin sa kanya, hangga’t sa umupo sa harap ng Propeta (s.a.w.) at itinumbok ang kanyang dalawang tuhod sa magkabilang tuhod niya (s.a.w.) at ipinatong ang kanyang dalawang palad sa magkabilang hita nito (s.a.w.), At kanyang sinabi: O Muhammad, Ipabatid mo sa akin ang tungkol sa Islam? At sumagot ang Sugo ng Allah (s.a.w.): Ang Islam ay ang iyong pagsaksi na walang tunay na Diyos maliban sa Allah. At si Muhammad ay tunay na Sugo ng Allah, ang pagsasagawa mo ng Salah, ang pagbigay mo ng Zakah, ang pag-aayuno mo sa buwan ng Ramadhan, at ang pagsasagawa mo ng Hajj o pagdalaw sa Sagradong bahay (ng Allah sa Makkah), kung nakayanan mo ang panustus ng daan papunta roon. – Siya ay nagsabi :Tama ka! – At kami ay nagtaka sa kanya, dahil nagtatanong siya sa kanya at pinatutunayan niya. Siya ay nagsabi: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Iman? Kanyang (s.a.w.) sinabi: Ang iyong paniniwala sa Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Kasulatan, sa Kanyang mga Sugo, sa Huling Araw, at ang iyong paniniwala sa nakatakdang kapalaran, ang mabuti nito at masama nito. - Siya ay nagsabi:Tama ka. – Kanyang sinabi ulit: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Ihsan? – Kanyang (s.a.w.) sinabi: Ang iyong pagsamba sa Allah nang para mo Siyang nakikita. at kung hindi mo Siya nakikita, tunay na Siya ay nakakakita sa iyo. Siya ay nagsabi ulit: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Oras (ng pagbangon muli)? Kanyang (s.a.w.) sinabi: Ang tinatanong tungkol dito ay higit na hindi nakaaalam kaysa nagtatanong. Siya ay nagsabi ulit: Sabihin mo sa akin ang mga palatandaan nito. Kanyang (s.a.w.) sinabi: Kapag ang mga anak ay nang-aabuso na sa kanilang mga magulang, At makikita mo, na ang mga mahihirap ay mag-aalaga ng tupa nang halos walang damit at sapatos, Na naguunahan sa pagpapatayo ng matataas na gusali. Pagkatapos, siya ay lumisan. At nakalipas muna nang ilang araw, saka niya (s.a.w.) sinabi sa akin: O Umar! Alam mo ba, kung sino ang nagtatanong na iyon?. At aking sinabi: Ang Allah at ang Kanyang Sugo (s.a.w.) ang nakakaalam nito. Siya (s.a.w.) ay nagsabi: “Siya si Jibrel, dumating sa inyo upang turuan kayo sa inyong Relihiyon”. Iniulat ni Muslim.
Ang anim na Saligang ito ay napagkaisahan ng lahat ng Sugo at lahat ng Batas, at nakasaad sa mga banal na Kasulatan. Kaya hindi ganap ang Pananampalataya ng isang tao hangga’t hindi niya pinaniniwalaan ang mga ito, at sinuman ang tumanggi sa isa sa mga ito, Siya ay tumiwalag na sa Pananampalataya at siya ay magiging Kafir na.
Ang mga uri ng Tawheed ay tatlo:
- Tawheed Ar-Ruboobiyyah.
- Tawheed Al-Uloohiyyah.
- Tawheed Al-Asma was-Sifaat.
Ang kahulugan ng Ar-Ruboobiyyah:
1. Tawheed Ar-Ruboobiyyah (Kaisahan ng Allaah sa Pagiging Natatanging Panginoon ng lahat ng mga nilikha): - Ruboobiyyah- terminong tumutukoy sa pagiging Natatanging Tagapaglikha at pagiging Hari ng Allaah sa lahat ng mga nilikha, sa langit man o sa lupa at sa lahat ng mga bagay na nakapaloob sa pagitan ng langit at lupa. Ang verb na
“rabba” at ang pangngalang “Rabb” na maling naisalin bilang “Panginoon”, ay kinuha sa salitang ito na nangangahulugang, “kalingain, alagaan, likhain at tipunin ang lahat ng mga elementong kinakailangan sa kagalingan at pagkakaroon ng buhay ng isang bagay o sinuman”.
Ang Tawheed Ar-Ruboobiyyahay ang paniniwala na ang Allaah lamang ang natatanging Rabb na Tagapaglikha, at Siyang nagtatangan ng mga gawain ng Kanyang mga nilikha, Siya lamang ang bumubuhay sa patay, at ang natatanging nagsasanhi ng kamatayan at natatanging Tagapagbigay ng mga biyaya at nagpoproteksiyon laban sa kasamaan. Walang anumang bagay ang mangyayari o magaganap sa Kanyang mga nilikha maliban na lamang kung ito ay Kanyang pinahintulutan. At bilang pagkilala sa katotohanang ito, malimit na sinasabi ng Propeta Mohammad (s.a.w.) ang mga katagang: “Walang anumang galaw, pangyayari o kapangyarihan maliban sa kapahintulutan ng Allaah”
Ang basehan o Daleel (ebidensiya at katibayan) sa kategoryang ito ng Tawheed ay matatagpuan sa maraming bersikulo ng Qur’aan. Sinabi ng Allaah: "Ang Allah ang siyang Tagapaglikha ng lahat ng mga bagay, at siya ang Wakeel (Tagapamahala) sa lahat ng mga bagay."SoorahAz-Zumar: 62
Ang Allaah ang Siyang kumukontrol at nagpapahintulot sa lahat ng mga kaganapan, mabuti man ito o masama. Kung nais nating maiwasan ang mga masamang pangyayari o dili kaya ay magtamo ng mga kabutihan o swerte sa buhay, nararapat lamang na sa Kanya lamang tayo haharap, mananalangin at hihingi ng tulong. Subalit marami pa ring mga tao ang sumisira ng bahaging ito ng Tawheed sa pamamagitan ng pag-asa na lamang sa mga nilikhang bagay na tinatawag nilang good luck charms upang magbigay sa kanila ng kabutihan at makaiwas sa mga kasamaan o kamalasan. Ang paniniwala sa good-luck charms, agimat o anting-anting tulad ng paa ng kuneho, mga wishbones, o dili kaya ay paniniwala sa mga pamahiin ay isang napakalaking kasalanan na tumataliwas at kumukontra sa Tawheed ar-Ruboobiyyah.
2.Tawheed Al-Uloohiyyah (kaisahan ng Allaah sa pagsamba): -
Ang Uloohiyyah ay terminong nagsasaad na ang Allaah ay ang natatanging dapat na pag-ukulan ng lahat ng uri ng pagsamba, kahit na ito ay gawain o damdamin ng puso, salita, pahayag at ang gawain ng lahat ng parte ng katawan ng isang tao. Ang salitang Ilah ay kinuha sa kahulugang ito: ang isa na minamahal, sinasamba o hinihingian ng tulong at hinaharapan sa oras ng pananalangin. Walang sinuman o anuman maliban sa Allaah ang may karapatang pag-ukulan ng mga ito kahit na siya ay isang anghel, isang
Propeta, Mensahero, matuwid at mabuting tao; at ito ang kahulugan ng testimonyang “Laa ilaaha illallaah (Walang sinuman ang may karatapang sambahin maliban sa Allaah).
Kahit na malawak ang implikasyon nang dalawang kategorya ng Tawheed, ang mahigpit na paniniwala dito ay hindi sapat para punuan ang Islamikong pangangailangan ng Tawheed. Ang pinaka-importanteng aspeto ng Tawheed ay ang Tawheed Al-‘Ebaadah (Uloohiyyah), ang pagpapanatili nang kaisahan sa pagsamba sa Allah. Lahat ng uri ng pagsamba ay dapat na idirekta sa Allah dahil Siya lamang ang may karapatang sambahin, at Siya lamang ang maaring makapagbigay ng benipisyo sa tao bilang resulta ng pagsamba sa Kanya.
3. Tawheed Al-Asmaa’ wa As-Sifaat (Kaisahan ng Allaah sa Kanyang mga Pangalan at Katangian):
Sa kadahilanang ang Allaah ang Pinakadakila, ang Kanyang mga Pangalan at Katangian ay katangi-tangi at tinatawag na Al-Asmaa Al-Husnaa (Ang Pinakamagagandang mga Pangalan). Sinabi ng Allaah: Ang Tawheed Al-Asmaa wa As-Sifaat ay ang paniniwala at pagpapatotoo sa lahat ng mga pangalan at katangian na pinatotohanan ng Allaah sa Kanyang Sarili, sa Qur’aan man ito o sa Sunnah ng Kanyang Propeta (s.a.w.); at ang pagpapakilala sa Allaah sa pamamagitan ng mga pangalan at katangiang nabanggit ng walang tahreef (pagbabago ng kahulugan), ta’teel (pagtanggi sa mga ito), takyeef (pagbibigay ng anyo o larawan), o tamztheel (paghahalintulad sa Kanyang mga nilikha).
Ang mga mahahalagang bagay sa Aqeedah:
1. Ang panunumpa sa hindi pangalan ng Allah:
- Mula sa mga normal na kaugalian na ang tao ay nanunumpa sa mga bagay na matataas ang uri. Pinagbawalan tayo ng Allah na gumawa ng ibang bagay na magiging katambal Niya at irerespeto natin tulad ng pagrespeto natin sa Allah. Sinabi Niya: "…Huwag kayong maglagay ng mga katambal sa pagsamba sa Allah gayong alam ninyong Siya lamang ang nag-iisa sa paglikha, at sa pagkakaloob ng kabuhayan, at sa pagiging may karapatan bilang Bukod-Tanging sinasamba." Soorah Al-Baqarah: 22.
- Ipinagbawal ng Propeta (s.a.w.) ang panunumpa ng liban pa sa Allah, at kanyang sinabi: "Katotohanan ang Allah, ang Kataas-taasan ay Nagbawal sa inyo na manunumpa sa pamamagitan ng pangalan ng inyong mga ninuno. Ang sinumang gustong manumpa, manumpa sa pangalan ng Allah o di kaya ay tumahimik.
- Hadeeth mula kay Buraydah (r.a.), ang Mensahero ng Allah ay hindi siya namin kasama." Isinalaysay ni Aboo Daawud. nagsabi: "Sinuman ang manunumpa sa pamamagitan ng mga ipinagkatiwala.
- Ang panunumpa ay hindi nabubuo maliban kung sa pamamagitan ng pangalan ng Allah o di kaya ay sa kanyang mga Sifaat.
- Kailangan sa nanunumpa sa pangalan ng Allah na totoo sa kanyang panunumpa.
- Kailangan din sa taong pinananumpaan na maniwala. Sinabi ng Propeta (s.a.w.): "Ang sinuman na nanunumpa sa Allah kailangan siya ay makatotohanan, at ang pinanunumpaan sa pangalan ng Allah na umayon siya, at sinuman ang hindi naniwala ay hindi kasama ng Allah." Isinalaysay ni ibn Maajah.
2. Ang pagkatay na hindi ginamit ang pangalan ng Allah:
Ang pagkatay ay ibaadah, hindi maaari na gawin ito ng isang Muslim ng hindi sa pangalan ng Allah. At hinalintulad ng Allah ang ibaadah ng dhabah sa ibaadah ng salaah sa nakasulat sa Kanyang banal na Aklat. Sinabi Niya: "Sabihin mo O Muhammad (s.a.w.), sa kanila na mga Mushrikeen. Katiyakan, ang aking Salaah; ang aking pagsasakripisyo na katulad ng pagkatay ng hayop isa Pangalan ng Allah na Nag-iisa at hindi para sa mga rebulto at hindi rin para sa mga patay at hindi rin para sa mga Jinn, at hindi rin para sa iba pa na mga katulad nito na inyong painag-aalayan na iba bukod sa Allah, at hindi rin sa pangalan ng iba na katulad ng inyong mga ginagawa; ang aking buhay, ang aking kamatayan ay Pagmamay-ari lamang ng Allah na Rabb ng Al-Aalameen." Na siya ay walang katulad sa Kanyang pagiging Ilaah (O Diyos na sinasamba) at sa Kanyang pagiging Rabb na Tagapaglikha, at wala na Siyang katambal sa Kanyang mga Katangian at mga Pangalan, at sa pamamagitan ng Kanyang dalisay na Kaisahan ay inuutusan Niya ako, ng aking Rabb na Kataastaasan, na ako ang kauna-unahang tumestigo at sumunod at magpasailalim sa Kanya mula sa sambayanang ito bilang Muslim." Soorah Al-An'aam: 162-163.
At sinabi ng Allah: "Na kung kaya, maging taimtim ka sa lahat ng iyong pagsaSlaah sa iyong Rabb ng Tagapaglikha, at maghandog ng hayop bilang pag-aalay lamang sa Kanya." Soorah Al-Kawthar: 2.
At sinabi ng Propeta (s.a.w.): "Isinumpa ng Allah ang sinuman na kumatay ng hindi sa pangalan ng Allah." Isinalaysay ni Imaam Muslim. At katotohanan ay naipahayag sa Hadeeth ang kuwentong tungkol sa langaw, ang kadilikaduhan ng paglapit sa gawaing hindi para sa Allah kahit ito ay napakadali.
Hadeeth mula kay Taariq bin Shihaab (r.a.), "Nakapasok sa Paraiso ang isang lalaki ng dahil sa langaw, at nakapasok sa Impiyerno ang isang lalaki ng dahil sa langaw. Sinabi nila: Paano nangyari iyon O Mensahero ng Allah? Sinabi niya: Napadaan ang dalawang lalaki sa mga qawm na mayroong rebulto at hindi sila pinadaan hanggang sa hindi sila nakapag-alay ng kahit anuman lang sa rebulto. Nagsabi sa kanila ang isa mula sa qawm: Mag alay kayo kahit langaw man lang. At nag-alay ang isa, at siya ay pinabayaan nilang makaalis, ngunit siya ay nakapasok ng Impiyerno (Naar). At sinabi nila sa pangalawa: Mag-alay ka. Sumagot siya: Hindi ko ginawang mag-alay sa kahit isa maliban pa sa Allah, ang katas-taasan. Pinalo nila ang batok ng tao, ngunit siya ay nakapasok sa Paraiso (Jannah). Isinalaysay ni Ahmad.
3. Ang Salamangka (As-sihr):
- Ang salamangka ay mula sa mga haraam na gawain na makakapagdala sa tao sa pagiging di mananampalataya. Sinabi ng Allah: "Datapuwa’t ang sinuman sa kanilang dalawa ay hindi nagtuturo sa kaninuman (ng salamangka) hangga’t hindi sila nakakapagsabi: “Kami ay para sa pagsubok lamang, kaya’t huwag kayong mawalan ng pananalig (o magtakwil sa pananampalataya, sa pamamagitan ng pag-aaral ng ganitong salamangka mula sa amin). Soorah AlBaqarah: 102.
At nagturo ang talata ayon sa sumusunod:
- Katotohanan ang salamangka ay gawaing masama.
- Katotohanan ang salamangka aw walang puwang doon sa Allah. Sinabi ng Allah: “At napag-alaman nila na ang tumatangkilik sa salamangka ay walang bahagi ng kaligayahan sa Kabilang Buhay.” Soorah Al-Baqarah: 102.
- Matinding kalugian nila dito sa mundo at sa huling Araw, dahil ibenenta nila ang kanilang mga sarili sa mababang halaga, kaya pinagsabihan sila ng Allah: “At kabuktutan (ang salamangka) na kanilang ipinagpalit (sa pananampalataya) para sa kanilang sarili (kaluluwa), kung kanila lamang nalalaman!” Soorah AlBaqarah: 102.
Ang salamangka ay mula sa mga malalaking kasalanan na ipinag-uutos ng Sugo ng Allah ang pag-iwas rito. Sinabi niya: “Iwasan ang mga pitong malalaki at mapanirang mga kasalanan” Sila ay (mga tao) nagtanong: “O Sugo ng Allah! Ano ang mga iyon.” Siya ay nagsabi: “Ang magtambal ng iba sa pagsamba sa Allah, ang magsagawa ng salamangka, ang kumitil ng buhay na ipinagbabawal ng Allah maliban kung para sa isang layuning makatarungan (ayon sa batas ng Islam), ang kumain ng (mula sa) Ribaa (pagpapatubo), ang kamkamin ang ariarian ng isang ulila, ang ipakita ang likod sa kaaway at patakas mula sa larangan ng digmaan sa panahon ng pakikipaglaban, at ang pagbintangan ang mga malilinis (mahihinhin) na kababaihan na kailanaman ay mabubuting mananampalataya.” Iniulat ni Muslim.
Ang salamangkero ay humihingi ng tulong sa mga Jinn (engkanto) na nagseserbisyo sa kanya na ang kapalit ay ang kanyang pagiging kaafir sa Allah. At gumagawa ng mga gawain ng di-mananampalataya, pinapaghihiwalay ang dalawang mmagkakalapit at pinag-aaway ang dalawang nagmamahalan, ngunit hindi nangyayari ang ganon maliban lamang sa Qadr ng Allah, ang ibig sabihin ang itinakda ng Allah sa mundo na magiging pagsubok at pagsusulit sa Kanyang mga alipin.
Ang mananampatayang malapit sa Allah ay ang nagsasagawa ng mga karapatan ng Allah, at palaging nag-aalaala sa Allah, at hindi natatakot sa salamangkero at sa iba pa sa kanya, dahil ang Muslim na naniniwala sa kaisahan ng Allah ay natitiyak niyang walang ibang mangyayari sa mundo maliban lamang sa gugustuhin ng Allah.
4. Ang pagbabawal sa pagpunta sa mga Manloloko at mga manghuhula: - Ang mga pari ay mga lider ng mga demonyo (mga shaytaan), at ang mga demonyo ay nagbibigay sa kanila ng mga kaalaman. Katulad ng sinabi ng Allah: “At katiyakan, ang pagkain ng ganoong uri ng kinatay ay paglabag sa kagustuhan ng Allah. At katiyakan, iniuudyok ito ng mga masasamang Jinn sa kanilang mga kaibigan na taong shaytaan, upang lituhin sila hinggil sa pagbabawal ng pagkain ng Maytah, na kung kaya, uutusan sila (ng mga masasamang Jinn) na sabihin sa mga Muslim sa pamamagitan ng pakikipagtalo sa kanila (bilang panlilinlang): katiyakan, dahil sa pagbabawal ninyo ng pagkain ng Maytah ay hindi ninyo kinain ang pinatay ng Allah, samantalang ang kinatay ninyo ay kinakain ninyo.”
Soorah Al-An’aam: 121.
Ang ang mga shaytaan ay nakikinig sa mga salita sa pag-uusap ng mga taga langit, pagkatapos sila ay baba at ibabalita sa mga pari at sila ay magsisinungaling sa kanya ng ilang daang kasinungalingan. Ang Manghuhula, siya ay ang nagbabalita ng mga hindi nakikita na mga pangyayari sa darating na panahon.
Hindi maaari sa isang Muslim na nanampalataya sa kaisahan ng Allah na pupunta sa mga manghuhula na nagsasabing nakakaalam ng mga hindi nakikita. At hindi maaaring siya ay maniwala sa kanyang mga ibinabalita. Sila ay nagsasalita tungkol sa mga hindi nakikita. At ang mali dahil walang nakakaalam sa mga hindi nakikita maliban sa Allah lamang.
Sinabi ng Propeta (s.a.w.): “Sinuman ang pumunta sa manghuhula at naniwala sa kanyang sinabi, tunay na siya ay naging di mananampalataya sa mga ipinahayag kay Muhammad (s.a.w.).” Iniulat ni Ahmad at Al-Baihaqee at Al-Hakeem.
At sinabi rin ng Propeta (s.a.w.): Sinuman ang pumunta sa manghuhula at nagtanong ng isang bagay at pinaniwalaan niya ito, hindi tatanggapin ang kanyang salah sa loob ng apatnapung araw.” Iniulat ni Muslim at Ahmad.
5. Ang Aqeedah ng Muslim tungkol sa Jinn (engkanto) at Shaytaan (demonyo):
Ang Jinn ay mula sa mga nilikha ng Allah, nilikha sila ng Allah mula sa apoy. Sinabi ng Allah: “At nilikha Niya ang mga Jinn mula sa apoy na walang usok.” Soorah Ar-Rahmaan: 15.
Itinakda ng Allah ang mga bagay na kanilang gagawin upang maging pagsubok sa Kanyang mga alipin, ngunit ang mananampalataya sa kaisahan ng Allah ay malakas at matibay. Sinabi ng Allah: “Katiyakan, ang Allah ay pangangalagan Niya ang mga mananampalataya laban sa mga walang pananampalataya at sa masamang balakin ng sinumang masama; dahil ang Allah na Pinakadakila at Kataas-taasan ay hindi Niya ninanais ang sinumang traydor na hini nito pinangangalagaan ang ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang Rabb na Tagapaglikha at binabalewala nito ang Kanyang mga biyaya.” Soorah Al-Hajj: 38.
Ang shaytaan ay kaluluwang tumatakbo sa tao katulad ng pagtakbo ng dugo sa mga ugat ng tao. Sinabi ng Propeta (s.a.w.): “Tunay na ang shaytaan ay tumatakbo sa katawan ng tao tulad ng pagtakbo ng dugo.” Pinag-ayunan ng dalawang Imaam. - Ang shaytaan ay nagtutukso sa dibdib ng tao, at pinapaganda nito sa kanya ang kasamaan hanggang mahulog ito kapag sumunod sa kanya.
Sinabi ng Allah: “At katiyakan, ang mga diyablo (demonyo) ay nag-uulot sa kanilang mga kaibigan (mula sa sangkatauhan) na makipagtalo sa inyo, at kung sila ay inyong sundin (nag gawing pinahihintulutan ang al-maytah [patay na karne] na kainin ito), kung gayon, katiyakang kayo ay Mushrikoon (mga mapagsamba sa diyosdiyosan, sapagkat ang mga diyablo at ang kanilang mga kaibigan ay ginawang pinahihintulutan sa inyo ang bagay na ipinagbabawal ni Allah na kainin, at sa pagasunod sa kanila, ito ay isang pagsamba sa kanila).” Soorah Al-An’aam.
Sinabi ng Allah: “At gayundin, Kami ay nagtalaga sa bawat isang Propeta ng isang kaaway, na mga demonyo (mula) sa lipon ng sangkatauhan at mga Jinn, na nagtatagubilin sa isa’t isa ng magagandang pananalita bilang isang pagliligaw (o isang paraan ng panlilinlang). Kung ninanais lamang ng iyong Panginoon, sila ay hindi gagawa ng mga gayon, kaya’t iyong hayaan sila sa kanilang mga kabulaanan.” Soorah Al-An’aam.
Ang paniniwala ng isang Muslim na naniniwala sa kaisahan ng Allah, tunay na ang Allah ay Kanyang nilikha ang mga shaytaan upang sila ay magsagawa ng pagsusubok sa mga tao. Sila ay susunod-sunod sa mga tao, tunay na sila ay kalaban ng mga Muslim, hihilahin nila ang mga Muslim sa kapahamakan mula pa man dito sa mundo hanggang sa Huling Araw, kapag nakakaya nilang sumunod sa kanila.Ngunit pinaingat ng Allah ang Kanyang mga alipin laban sa mga diyablo, at ipinahayag ng Allah sa Kanyang mga alipin kung paano na maka-iwas sa mga diyablo.
Sinabi ng Allah: “Katotohanang si satanas ay ingyong kaaway; kaya’t ituring siya na kaaway.” Soorah Faatir: 6.
6. Ang paniniwala ng Muslim sa libingan at mga nakalibing:
Ang karapatdapat sa isang Muslim ay ilagay niya sa gitna ang lahat ng kanyang mga gawain, at huwag niyang gawing sosobra sa limitasyon, at huwag rin niyang kukulangan, dahil kapag hindi niya ginawa ang ganoong paraan, posibleng mapapalagay siya sa pagkasira.
Sinabi ng Propeta (s.a.w.): “Mag-ingat sa pagiging mapagmalabis dahil ang nakasira sa mga nauna sa inyo ay kanilang pagiging mapagmalabis.”
Ang mapagmalabis: Ang pagpapasobra, at ang paglampas sa limitasyon. Ipinagbabawal ng Allah ang mapagmalabis.
Sinabi ng Allah: “O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Huwag kayong magmalabis sa hangganan ng pananampalataya, at huwag din kayong magsabi ng tungkol kay Allah maliban sa katotohanan.” Soorah An-Nisaa.
Ikinuwento sa atin ng Allah sa kanyang Banal na Aklat ang tungkol sa qawm (nasyon) na nakalusak sa pagtatambal (shirk) sa Allah at pagtakwil dahil sa kanilang pagmamalabis sa pagkagusto sa mga mabubuting tao.
Sinabi ng Allah: “At sila ay nagsipag-usapan sa isa’t-isa: Huwag ninyong tatalikdan ang inyong mga diyos, gayundin ay huwag ninyong iiwan Wadd, ang Suwaa, ang Yagooth, ang Yaa’ooq, ang Nasr.” Soorah An-Nisaa: 23.
Ito ang pangalan ng kanilang diyus-diyusan na kanilang sinamba bukod saAllah, na ito ay mga pangalan ng mabubuting kalakihan, nang sila ay namatay iniudyok ng shaytan sa kanilang sambayanan na igawa sila ng mga rebulto; upang tumibay (daw) sa pagsunod…….
Sinabi ni Ibn Abbaas (r.a.) tungkol sa Nasyong ito: “Ito ang mga pangalan ng mga lalaking Saaliheen mula sa qawn ni Nooh (a.s.). Sa panahon ng nawasak sila (namatay) nagpahayag ang shaytaan sa kanilang qawn…..
At sinabi ni ibn Qayyim: Sinabi ng isang hindi mula sa Salaf: Sa panahon ng namatay sila namalagi sa kanilang libingan, pagkaraan ginawan sila ng mga rebulto, pagkatapos nong matagal na ay sinamba na nila ang mga rebultong ito.
- Isara ng Propeta (s.a.w.) ang pintuan ng fitnah at ang pagsasagawa ng shirk sa libingan (qabr) at ang mga nakalibing, upang hindi mangyari sa nasyon na sambahin ang mga ito na liban pa sa Allah. At tulad ng nabanggit ni Aaishah (r.a.) na simbahang kanyang nakita sa lupa ng Habashah, na mayroong mga larawan. Sinabi niya: “Ang mga taong yaon kapag mayroong namatay sa kanila na mga mabubuting lalake o di kaya ay aliping mabuti, magpapatayo sila ng Masjid sa ibabaw ng kanyang libingan at ilalagay sa doon ang kanilang mga larawan. Ang nilikha iyon napakasang nilikha sa paningin ng Allah.” Iniulat ni Muslim
- Noon ay sinabi ng Propeta habang siya malapit ng mamatay: “Ang sumpa ng Allah ay tumama sa mga Hudyo at mga Kristiyano, ginawa nilang mga Masjid ang libingan ng kanilang mga Propeta.” Sinabi ni Aaishah (r.a.): Ginamit nila ang kanilan mga ginawa, kung hindi dahil doon sigurado pagagandahin nila ang kanyang libingan, kaya siya nangamba na baka gawin nilang Masjid.” Pinagkaisahan.
- Ang mga nangyayari at ipinagbabawal ng Sharee’ah sa may libingan:
- Ang pag-aalay ng pagkakatay.
- Ang pagsusumamo sa kanya.
- Ang pananalangin doon ng liban pa sa Allah.
- Ang paghingi ng tulong sa mga nakalibing liban sa Allah.
- Ang pagtawaaf sa paligid ng libingan.
- Ang paghihingi ng makakabuti at makakasama mula sa mga nakalibing.
- Ang paglalagay ng ilaw sa libingan na ang minimithi na mapapalapit kay Allah.
- Ang pagpapatayo ng Masjid sa may libingan.
- Ang pagtitipon-tipon sa bawat taon upang magselebrar pesta sa libingan.
- Ang pagpapaganda at pagdekorasyon sa libingan.
- Sinuman ang gumawa ng kahit ano doon sa mga nabanggit sa itaas upang mapapalapit sa libingan at sa mga nakalibing, ito ay ang pagbubuhay muli sa turo ng mga Hudyo at Kristiyano. Pina-iingat na tayo ng Propeta (s.a.w.).
Ikatlong Aralin - UNANG HALIGI: AL-EEMAAN BILLAAH
(Ang Paniniwala kay Allaah)
Ang ibig sabihin nito: Ang wagas na paniniwala sa pagkakaroon ni Allaah at ang pagtanggap sa mga sumusunod:
- Ang paniniwalang tunay na ang Allaah ang tanging taga-paglikha at taga-tustus at bumubuhay at bumabawi ng buhay at tanging siya lamang ang nagpapatupad at nagpapagalaw sa mga pangyayari sa lahat ng buhay, at ito ay isang uri ng tawheed na ang tawag ay “Tawheed Ar-Ruboobiyyah” ang pamumukod-tangi ng Allaah sa kanyang pagka-Panginoon at wala siyang katambal sa Kanyang pagiging pagkaPanginoon.
- Pagsasaksi na katotohanang walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allaah lamang, ang kaisa-isang tunay na Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba, wala Siyang katambal, ito ay nangangahulugan na ang lahat ng uri ng Ibaadah (pagsamba) ay sa Kanya lamang iaalay. Kaya ang mga Salaah o pagdarasal ay dapat sa Allaah lamang, ang pananalangin, pananalig, paghingi ng saklolo, pag-asa at iba pang uri ng pagsamba na iniatas ng Allaah ay dapat iukol sa Allaah lamang, ang tawag dito ay “Tawheed Al-Uloohiyyah.” Ang ibig sabihin ay walang dapat sambahin kung hindi ang Allaah lamang, at huwag gumawa ng katambal sa pagsamba sa Kanya.
- Ang paniniwala sa lahat ng Nakasaad sa Qur-aan o nabanggit ng Kanyang Sugo (s.a.w.) sa mga Hadeeth na mga pangalan at katangian na kinilala ng Allaah para sa Kanyang sarili o di kaya katangian na nabanggit ng Kanyang Sugo (s.a.w.); halimbawa: Siya ang Nakaririnig, ang Nagmamasid, ang Pinakamahabagin Makapangyarihan, Tigib ng Karungan. Ang tawag dito ay “Tawheed Al-Asmaa was- Siffaat,” ang ibig sabihin ang Allaah ay mayroon siyang mga Pangalan at mga Katangian subalit naiiba sa mga pangalan at katangian ng Kanyang mga nilikha. Ang dakilang Allaah ay nagsabi sa Qur-aan: “…Walang anupamang bagay ang makakatulad sa Kanya, at Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Lubos na Nakamamasid.” Sooratush Shoorah:11
Mula sa mga bunga ng pananampalataya kay Allah:
1..Na mangyari ang pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga tao, at hindi magiging mapagmataas sa kanyang kapwa, dahil ang lahat ay alipin ng Allah.
- Hindi mananalangin sa iba maliban kay Allah, at hindi magtatawakkal maliban sa Kanya.
Hindi sasamba sa iba maliban kay Allah, at hindi manghihingi maliban kay Allah, at hindi matatakot maliban kay Allah.
Ika-apat na Aralin - PANGALAWANG HALIGI: AL-EEMAAN BIL MALAA-IKAH
(Ang Paniniwala sa mga Anghel)
Ang ibig sabihin nito:
Ang ibig sabihin nito, ay ang wagas na paniniwala sa pagkakaroon ng mga Anghel, at katotohanan na sila ay isang uri na mga nilikha ng Allaah na ang kanilang katangian ay naiiba sa mga katangian ng ibang mga nilikha dahil sa mga sumusunod
- Sila ay nilikha mula sa liwanag, hindi sila kumakain at umiinom.
- Hindi sila mga lalaki o babae, wala silang kasarian, kaya hindi sila naka-anak at hindi nag-aasawa.
- Nilikha lamang sila sa pagsamba, kaya sila ay lumuwalhati sa Allaah sa araw at gabi, sila ay hindi lumulubay.
- Hindi sila kailanman gumawa ng mga kasalanan at pagkakamali, kaya hindi sila sumusuway sa oagsunod sa anumang mga kautusang kanilang tinatanggap mula kay Allaah, bagkus sila ay gumagawa ng ayon sa anumang nais ni Allaah.
Mga gawain ng mga Anghel:
Ang mga Anghel ay mayroon silang mga gawaing ginagampanan dito sa mundo:
- Si Jibreel (alayhis salaam) ay ang pinagkatiwalaan sa kapahayagan ng Allaah, na Kanyang ipinapadala sa mga Propeta at Sugo.
- Si Israafeel ang siyang naatasang taga-ihip ng tambuli.
- Si Malakal Mawt ang inatasan sa paghugot ng mga kaluluwa sa takdang oras ng kamatayan.
- Ang mga Anghel na inatasang mamahala sa mga gawain ng inapo Aadam, at ang pagsulat nito mabuti man o masama, sila ang mga Kiraaman at Kaatibin (dalawang Anghel, na ang isa sa kanila ay nasa bandang kanan at ang ikalawa ay nasa kaliwa).
- Mga Anghel na namamahala sa alipin (tao) sa kanyang paglalakbay, pagtulog, gising man o kahit saan, ang pangalan ay Al-Mu-‘aaqibaat.
- Si Anghel Mikaa-eel at ang kanyang mga katulong, ang napag-atasan mamahala sa ulan at mga pananim.
- Ang ilan sa mga Gawain ng Malaaikah: Ang manalangin para sa mga mananampalataya at tumulong sa kanila at gawing mapanatag ang kanilang mga puso sa panahon ng digmaan.
Mula sa mga bunga ng paniniwala sa mga Malaaikah:
- Nararamdaman ng mananampalataya na mayroon siyang tagapag-pala mula kay Allah, na nagpoprotekta sa kanya at nanalangin para sa kanya, at nagdedepensa sa kanya laban sa kasamaan.
- Ang pagiging masigasig ng mananampalataya sa kanyang pagsunod sa mga ipinaguutos ng kanyang Rabb (Panginoon), at ang pagsisikap na hindi makakagawa laban sa mga ipinag-uutos ng Allah, at ito ang dahilan ng pagsuporta at pagprotekta ng mga Malaaikah sa kanya.
Ikalimang Aralin - PANGATLONG HALIGI: AL-EEMAAN BIL KUTUB AS-SAMAAWIYYAH
(Ang Paniniwala sa mga Kasulatan)
Ang ibig sabihin nito:
Ang lubos na Paniniwala na ang Allaah ay may mga Aklat na ipinadala sa Kanyang mga Propeta at Sugo sa pamamagitan ng Wahee at ng mga Aklat na ito ay naglalaman ng katutuhanan, liwanag at patnubay sa sangkatauhan dito sa mundo at sa kabilang buhay.
Ang Paniniwala sa mga Kasulatan ay napapaloob sa tatlong bagay:
- Ang Paniniwala na ang pagkakapahayag ng mga kasulatan ay totoong nagmula sa Allaah.
- Ang Paniniwala sa mga napag-alaman nating mga pangalan nito, kabilang dito ang Qur-aan na ipinahayag kay Propeta Muhammad (s.a.w.), at ang Tawrah na ipinahayag kay Moosaa (a.s.), at ang Injeel na ipinahayag kay Easaa (a.s.), at ang Zaboor na ipinahayag kay Daawood (a.s.), at ang As-Suhuf na ibinigay kay Ibraaheem.
- Ang lahat ng naunang mga kasulatan ay pinawalang-saysay ng Qur-aan. Kaya hindi na maaaring gampanan ng Muslim ang mga alituntunin na nakasaad dito dahil sa mga sumusunod:
- Ang mga orihinal na salita ng Allaah na nakasaad sa mga Kasulatang ito ay dumaan sa Tahreef (pagpapalit), ito ay kanilang dinagdagan ng mga salita lamang ng tao.
- Sa ngayon ay walang makikitang orihinal na mga bersiyon o manuskripto sa mga kasulatang ito, kung hindi lamang ang mga nandidito sa ngayon na mga bersikulong napalitan o dili kaya’y nadagdagan, o dili kaya’y salin lamang sa orihinal na bersikulo na hanggang sa ngayon ay wala, salungat ito sa Al-Qur-aan Al-Kareem dahil hindi nagbabago, at hindi napalitan, kaya ang Qur-aan noong kapanahunan ng Propeta Muhammad (s.a.w.) sa loob ng 1400 taon ay ganoon pa rin parehong-pareho walang pagbabago ang lahat ng nilalaman at nakasaad dito ay mga salita ng Allaah, kaya makikita natin na ipinapaliwanag ang kasayasayan nila Moises, Jesus, Abraham, David at iba pang mga Propeta (alayhimus salaatu was salaam).
Ang Qur-aan ay naglalaman ng mga alituntunin ng Diyos na nakasaad sa mga dating kasulatan at nabanggit sa Qur-aan para sang-ayunan ito katulad ng kaisahan ng Allaah (Tawheed) ang mga uri ng Pagsamba at mga espirituwal na gawain at kaugalian.
Mula sa mga bunga ng paniniwala sa mga Banal na Aklat:
- Katunayan ang Allah ay hindi Niya pinabayaan ang mga alipin na hindi naturuan at napatnubayan sa matuwid na landas sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Aklat.
- Ang mga Mensahe mula sa langit ay iisa, tunay na ang Banal na Quraan ang nagpahayag ng mga katotohan na napapaloob sa mga naunang Banal na mga Kasulatan.
Ika-anim na Aralin - PANG-APAT NA HALIGI: AL-EEMAAN BIR RUSUL
(Ang paniniwala sa mga Sugo):
Ang ibig sabihin nito:
Ang tunay na paniniwala ay ang wagas na paniniwala na ang Allaah ay nagsugo sa bawat pamayanan ng isang Sugo para mag-anyaya sa kanila na sumamba kay Allaah lamang ng walang pagtatambal.
Ang Paniniwala sa mga Sugo ay may apat na sangkap:
Una: Ang paniniwala sa lahat ng mga Sugo ng Allaah, sinumang hindi maniwala kahit isa sa kanila ay para na rin itinakwil ang lahat ng mga Sugo at ang kanyang pananampalataya ay hindi tatanggapin ni Allaah.
Pangalawa: Ang paniniwala sa sinumang napag-alaman natin ang kanyang pangalan mula sa Qur’an. Kabilang na dito halimbawa si: Muhammad, Ibrahim, Nooh, Moises, Daud, Eesaa (alayhimus salaam) At tungkol naman sa mga propetang hindi natin napag-alaman ang kanilang mga pangalan ay atin paniniwalaan sa pangkalahatang pananaw.
Pangatlo: Ang paniniwala sa anuman autintikong kasabihan o gawain nila at ang mga kasulatan na ibinigay sa kanila.
Pang-apat: Ang paniniwala na si Muhammad (Sallallahu Alaihi Wassalam) ay panghuling sugo at wala ng sugo na darating pa at siya ang pinaka dakila sa mga propeta.
Mga katangian ng mga Sugo:
1-Sila ay tao hindi sila naiiba sa mga karaniwang tao, sila ay may angkin katangian ng tao at dinadatnan sila ng sakit, kamatayan, at nangangailangan sila ng pagkain at inumin atbp. Sa makatuwid wala silang katangian pagka-Diyos o pagka-Panginoon. 2- Ang kanilang mga ginagawang himala ay nasa kapahintulutan ng Dakilang Allah na nagpapatunay na ang kanilang mensahe ay totoong galing sa Allah.
2- Ang mga sugo ay hindi nagkakamali sa kanilang ipinapa-abot na mensahe na galing sa Allah, kaya wala silang pagkakamali sa anumang mensahe na galing sa Allah para ipaabot sa mga taso.
3-Ang pagiging makatotohanan at mapagkatiwalaan sa lahat ng kanilang mga salita at mga gawa.
4-Ang pagiging mapagtimpi: Sila ay nagtitimpi at nagtitiis sa iba't-ibang pagpapahirap sa kanila at mga kahirapan sa pamamagitan ng kanilang pagpaparating ng mensahe ng Allah.
Mga bunga mula sa paniniwala sa mga Sugo (‘Alayhimus Salaam):
- Nakakapagturo sa mga tao patungo sa Matuwid na Daan
Pagsasanay:
a. Sagutin ang mga tanong na sumusunod:
1. Banggitin ang mga Pundasyon ng Eemaan. ………………………………………….
…………………………………………………………………………………………..
2. Banggitin ang mga bunga ng Eemaan. ………………………………………………
…………………………………………………………………………………………..
3. Ipaliwanag ng mababa ang mga gawain ng Malaaikah. …………………………….
…………………………………………………………………………………………..
4. Banggitin ang iilang pangalan ng mga Malaaikah. ………………………………….
…………………………………………………………………………………………..
- Banggitin iilang sifaat ng mga Malaaikah. …………………………………………..
………………………………………………………………………………………….
- Ipaliwanag ang kahulugan ng pananampalataya sa mga Sugo (s.a.w.). …………….
…………………………………………………………………………………………..
- Banggitin ang limang pangalan ng Malaaikah. ……………………………………..
…………………………………………………………………………………………..
- Banggitin ang mga pangalan ng mga Aklat na ipinadala ng Allah sa Kanyang mga
Sugo (s.a.w.). ……………………………………………………………………………
- Lagyan ng simbolong tama ang tamang pangungusap at simbolong mali ang maling pangungusap:
- Ang Mananampalataya ay hindi niya nilagyan ng pagkakaiba ang pagitan ng mga Sugo ng Allah. (s.a.w.). ( ).
- Ang Mananampalataya ay sumusunod kay Allah sa lahat ng Kanyang ipinag-uutos at ipinagbabawal. ( ).
- Ang Aklat na Tawrah ay ipinadala ng Allah para kay Propeta ‘Eesaa (a.s.). ( ).
- Ang mga Mensaheng mula sa langit ay magkaayon sa pundasyon nito. ( ).
- Ang Aklat na Injeel ipinadala ng Allah para kay Propeta Daaod (a.s.). ( ).
- Ang Banal na Quraan ay Aklat ng Allah na sagka ng lahat ng Banal na Aklat at dito tinipon ng Allah ang impormasyon ng lahat ng mga Propeta. ( ).
- Ang ilan sa mga Gawain ng mga Malaaikah: Ang manalangin para sa mga mananampalataya at tumulong sa kanila at gawing mapanatag ang kanilang mga puso sa panahon ng digmaan. ( .
IkapitoAng ika-Pitong Aralin - PANGLIMANG HALIGI: AL-EEMAAN BILYAWMIL AAKHIR
(Ang paniniwala sa Huling Araw):
Ang paniniwala wagas na ang Allah ay bubuhayin niya muli ang mga tao pagkatapos nilang mamatay upang sulitin at siyasatin sila sa kanilang mga ginawa sa mundo at kung sinuman sa kanila na nananampalataya sa Allah at gumawa ng kabutihan ay papasok sa paraiso at kung sinuman sa kanila na tumalikod sa pananampalataya at pinagsinungalingan ang mga katibayan at tanda ng Allah ay papasok sa impeyerno.
Mga sangkap sa Huling araw:
- Katutuhanang ang Allah ay bubuhayin Niyang muli ang lahat ng tao at sama-sama silang titipunin sa iisang lugar para isagawa ang pagsisiyasat.
- Ang lahat ng nilalang ay tatayo sa harap puti man o itim.
- Sinumang mayroong karapatan sa kanyang kapwa ay sisingilin sa kanya, sa araw na iyon ay walang sinumang hahatulan ng kawalang katarungan sa anupama’t bagay.
- Walang sinuman na makatutulong kaninuman sa araw na iyon kundi ang habag ng Allah at ang kanilang mga mabubuting gawaing ginawa sa mundo noong sila’y mga buhay pa.
- Sa araw na iyon ay dadalawa lamang ang magiging hantungan ng mga tao, ang ligayang walang hanggang sa paraiso o ang walang hanggang kaparusahan sa impiyerno.
Mula sa mga bunga ng paniniwala sa Huling Araw:
- Ang pananampalataya sa Huling Araw isa sa napakalakas na dahilan upang magsumikap ang tao sa paggawa ng mga kabutihan, at nagsarado sa kanya sa paggawa ng kasamaan. Dahil naniniwala siyang iimbistigahin siya sa lahat ng mga gawaing kanyang nagawa.
- Dahil dito, binigyan ng Quraan ng malaking halaga ang pagpapaalaala sa mga tao tungkol sa Huling Araw. Lalong-lalona, na ang mga tao ay talagang nakakalimutan nila ang tungkol sa Huling Araw, dahil sa sobrang pagkalulong nila sa mga kasayahan sa mundo ito sa mga nakakaakit na napapaloob rito.
Pagsasanay:
- Sabihin ang kahulugan ng Huling Araw? …………………………….......................
…………………………………………………………………………………………..
- Isulat ang katunayan mula sa Banal na Quraan na ang Allah ay nag-iisa lamang na
nakakaalam kung kailan darating ang Araw ng Paghuhukom. …………………………
…………………………………………………………………………………………..
…………………………………………………………………………………………..
- Banggitin ang ilang palatandaan na nagtuturo na malapit na ang pagdating ng Araw ng Paghuhukom? ………………………………………………………………………..
…………………………………………………………………………………………..
- Ano ang mga makikitang palatandaan ng pananampalataya sa Araw ng Paghuhukom sap ag-uugali ng tao? …………………………………………………….
………………………………………………………………………………………......
- Lagyan ng simbolong tama ang tamang pangungusap at simbolong mali ang maling pangungusap:
a) Ang pananampalataya sa Huling Araw ay maggigiya sa tao na maging makatotohanan sa kanyang mga salita at sa kanyang mga gawa. ( )
- Ang pananampalataya sa Huling Araw ay maggigiya sa tao patungong kapanalunan sa lahat ng kanyang mga mabubuting gawain sa pagitan ng mga tao. ( )
- Walang kinalaman ang pagitan ng pananampalataya sa Huling Araw at pagitan ng pagkulang ng mga krimen. ( )
- Ang pananampalataya sa Huling Araw naging dahilan na ang Naaapi ay naging mapanatag na ang kanyang karapatan ay hindi mawawala. ( )
- Ang Allah at mga Malaaikah ay alam nila ang pinaka schedule ng Araw ng Paghuhukom. ( )
- Ang Sugo na si Muhammad (s.a.w.) ay nakakaalam ng tamang oras ng pagdating ng Araw ng Paghuhukom. ( )
- Wala ni isang nakakaalam maliban kay Allah sa pinaka oras ng pagdating ng Araw ng Paghuhukom. ( )
Ikawalong Aralin - PANG-ANIM NA HALIGI: AL-EEMAAN BIL QADR
(Ang paniniwala sa naitakdang kapalaran).
Ang ibig sabihin nito:
Ang wagas na paniniwala sa Naitakdang Kapalaran mabuti man nito o masama, at katutuhanan na ang lahat ng bagay ay nasa Qadaa at Qadar ng Allaah, walang mangyayari kundi mula sa kagustuhan Niya. Walang lalabas na bagay maliban sa kanyang kapahintulutan. Walang sinumang maaaring umiwas mula sa Qadr (ang nakatakda), at siya ay hindi maaaring lumagpas mula sa kung ano ang nakasulat sa Lawhul Mahfoodh (Preserved Tablet).
Ang mga antas ng pananampalataya sa Qadr (ang nakatakda) Ang paniniwala sa Qadar ay may apat na sangkap:
- Ang paniniwala na ang Allaah ay malalaman niya ang lahat ng bagay, ang kabuuan at ang detalye nito, ang simula at katapusan nito maging ito’y sa kanyang mga gawain o sa mga gawain ng kanyang mga lingkod bago paman nila ito ginawa.
- Ang paniniwala na ang Allaah ay naisulat na niya ang mga iyon sa ‘‘Al-Lawhul Mahfood.’’
- Ang paniniwala na lahat ng nilalang ay hindi malilikha kung hindi hinangad ng Allaah, maging ito ay sa Kanyang gawain o sa gawain ng Kanyang mga nilalang.
- Ang Paniniwala na ang lahat ng nilalang ay nilikha ng Allaah, maging ang kanilang kabuuan at katangian.
Ang mabubuting bunga sa paniniwala sa Qadar:
- Ang kapanatagan at kaginhawaan ng loob sa mga dumarating sa kanyang buhay mula sa mga itinakda ng Allaah. Hindi dapat siyang mangamba sa mga nawawalang mahalagang bagay o dumarating na mga kawawian sa kanyang buhay, dahil ang lahat ng iyon ay itinakda ng Allaah.
- Pagtitiwala (Pananalig) sa Allaah at walang pangamba sa anumang nilikha dahil ang mga nilikha ay hindi sila makakapinsala at hindi sila makakapagbigay ng kapakinabangan.
- Maging matibay at matatag ang isang tao sa anumang pagsubok na dumarating sa kanya at pinapaubaya lamang ito sa Allaah.
Pagsasanay:
1..Ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Nakatakda (Qadr)? ……………………
…………………………………………………………………………………………..
- Ano ang batas ng pananampalataya sa Nakatakda? …………………………………
…………………………………………………………………………………………..
- Banggitin ang mga kabutihan ng pananampalataya sa Nakatakda? …………………
…………………………………………………………………………………………..
- Ang pananampalataya ng isang Muslim sa Nakatakda (Qadr) ay makakaantala sa kanyang Gawain? ……………………………………………………………………….
- Banggitin ang katunayan sa Quraan na ang tao ay kukuwentahin ng Allah sa kanyang mga gawain. …………………………………………………………………...
………………………………………………………………………………………......
- Ano ang kapat-dapat na gawin ng isang Muslim kapag siya ay hindi nagtagumpay sa kanyang gawain o di kaya’y natamaan ng kalanidad? ……………………………….
…………………………………………………………………………………………..
Ikasiyam na Aralin - Ang mga Katangian ng Allah
Nagiging tunay na mananampalataya ang Mananampalataya kapag naniniwala siyang ang Allah ay nagtatangi ng kompletong katangian.
At ang mga katangian na ating pinaniniwalaan ito’y ang mga katangian na nandoon sa sa Quraan at Sunnah. Ito ay ang mga sumusunod:
- Ang mga Katangian ng Allah ay hindi katulad sa mga katangian ng tao. Sinabi ng Allah: “At walang anuman ang sa Kanya ay maihahalintulad.” Soorah Al-Ikhlaas.
- At sinabi ng Allah: “Walang anupamang bagay ang makakatulad sa Kanya, at
Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Lubos na Nakamamasid.” Soorah AshSuraa: 11.
- Nanampalataya tayo sa inilarawan ng Allah sa Kanyang sarili, at ang inilarawan ng Kanyang Propeta (s.a.w.) tungkol sa Kanya, ayon sa kanyang mga Hadeeth nang walang mga tanong kung papaano ang mga katangiang iyon. Ang Allah ay Nakakarinig ng Ganap.
Ang Allah ay Nakakakita, at hindi natin alam kung paano Siya Nakakarinig at Nakakakita sa pamamagitan ng mga katangiang ito.
Ang naging resulta sa sarili at pag-uugali ng mananampalataya sa pamamagitan ng kanyang paniniwala sa mga Katangian ng Allah:
- Katotohanan ang Allah aw Maawain, kaya nakalapat sa lahat ang kanyang awa, sakop nito ang lahat ng mga tao, mga hayop, mga ibon at ang iba pang mga nilikha. Ang pananampalataya ng Muslim sa mga katangiang ito ay nagtutulak sa kanya na maging mas malapit kay Allah. Minamahal niya ang Allah at sinasamba at sinusunod, at minamahal niya ang kanyang kapatid na Muslim katulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. At siya ay nagbibigay ng suporta sa kanya at tulong sa panahong ng pangangailangan. At binibisita niya kapag nagkasakit ito, at tinutulungan kapag mayroong nang-aapi.
- Katotohanan ang Allah ay nakakaalam sa lahat ng mga pinaggagawa ng mga tao. Nakakaalam ng mga nakatago at nakalabas. Ang pananampalataya ng isang Muslim sa mga Katangiang ito ay nagiging dahilan na siya ay palaging sumusunod sa mga ipinag-uutos ng Allah. At palaging nag-iingat sa mga ipinagbabawal ng Allah, upang malaman niya na ang Allah ay Nakakakita sa lahat ng bagay.
- Katotohan ang Allah ay Dakila, ang paniniwala ng Muslim sa mga Katangiang ito ay nagiging dahilan na siya hindi mapagmataas, hindi naging mapang-api, at hindi na natatakot kahit kanino kapag ito ay karapatan.
Kung sa gayon, sa bawat katangian mula sa mga katangian ng Allah, ang Kataastaasan, nakapakabuti ng resultang naiiwan nito sa buhay at pag-uugali ng isang Muslim.
Pagsasanay:
- Kailan nagiging tunay na mananampalataya ang isang Muslim? ………………….
…………………………………………………………………………………………
- Ano ang ibig sabihin ng sinabi ng Allah: “Walang anupamang bagay ang
makakatulad sa Kanya? ………………………………………………………………
…………………………………………………………………………………………..
- Banggitin ang ilan sa Katangian ng Allah na nasa Banal na Aklat at sa Sunnah.
…………………………………………………………………………………………..
- Sa bawat katangian mula sa mga katangian ng Allah, ang Kataas-taasan, nakapakabuti ng resultang iniiwan nito sa buhay at pag-uugali ng isang Muslim. Ipaliwanag ang salitang ito ng mababa lang.…………………………………………... …………………………….
Maikling pagpapaliwanag sa talambuhay ni Propeta Muhammad
sallaahu 'alayhi wa sallam
Ang kanyang pangalan ay si Muhammad na anak ni Abdullaah na anak ni Abdul Muttalib na anak ni Haashim. Siya ay isinilang sa Makkah Al-Mukarramah sa taong 570 A.D. mula sa pinakamataas na angkan ng Quraysh.
Siya ay lumaking ulilang lubos. Namatay ang kanyang amang si Abdullah na anak ni Abdul Muttalib habang siya ay nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina. Pagkatapos ay namatay naman ang kanyang ina habang siya ay nasa ika-anim na taong gulang. Ang pag-aaruga sa kanya ay nalipat sa kanyang lolo na si Abdul Muttalib. At pagkatapos na mamatay ang kanyang lolo, nalipat na naman ang pag-aaruga sa kanya doon sa kanyang tiyuhin na si Abu Talib.
Siya ay nagkaroon ng napakagandang pag-uugali at mataas na katangian. Siya ay naging huwaran sa napakagandang pag-uugali at pagiging matapat sa pagsasalita at pagkamagalangin, at mapagkatiwalaan at tumutupad sa pangako. Hanggang sa binansagan siya ng kanyang mga tauhan ng “Al-Ameen” (Ang Mapagkatiwalaan).
Nang siya ay sumapit sa edad na ika-dalawampung limang taong gulang (25) pinakasalan niya si Khadeejah bint Khuwaylid, na sa panahon ng kanilang pagiging mag-asawa ay nakapagbigay sa kanya ng apat (4) na anak na babae at tatlong (3) anak na lalaki.
Nang papalapit na si Muhammad, ang biyaya at kapayapaan nawa’y mapasakanya, sa gulang na apatnapu ay naging madalas ang pag-iisa at pananatili niya sa yungib ng Hira’ sa isang bundok na malapit sa Makkah. Ginugugol niya roon ang mga araw at mga gabi.
Noong gabi ng ika-21 ng buwan ng Ramadhaan habang siya ay nasa yungib ng Hiraa’ at nang mga sandaling iyon ay kanya nang sinapit ang gulang na apatnapu, pinuntahan siya ng Anghel na si Jibreel (alayhis salaam – kahabagan nawa siya ng Allah) at sinabi sa kanya: “Bumasa ka,” “Hindi ako marunong bumasa,” tugon naman niya rito. Inulit ni Jibreel (alayhis salaam), ang kanyang sinabi sa ikalawa at ikatlong pagkakataon. Ngunit sa ikatlong pagkakataon ay sinabi niyang: “Bumasa ka sa ngalan ng iyong Panginoon na lumalang, lumalang sa tao buhat sa namuong dugo. Bumasa ka sapagkat ang iyong Panginoon ay ang Pinakamapagbigay, nagturo sa pamamagitan ng panulat, nagturo sa tao ng hindi nito nalalaman.” At pagkatapos nito ay iniwan na ng Anghel si Propeta Muhammad, Ang biyaya at kapayapaan nawa’y mapasakanya.
Matapos na matanggap ng Propeta (ang biyaya at kapayapaan nawa’y mapasakanya), ang kauna-unahang pahayag ay kaagad siyang lumisan. Hindi na niya matiis na manatili pa sa yungib ng Hira’ kaya’t umuwi na siya sa kanilang tahanan. Kumakabog ang kanyang dibdib nang siya ay pumasok sa kinaroroonan ni Khadeejah
(kaluguran nawa siya ng Allah). “Balutin ninyo ako, balutin ninyo ako!” sabi niya. Binalutan naman siya upang maalis ang sindak sa kanya. Isinalaysay niya kay Khadeejah, (kalugdan nawa siya ng Allah), ang nangyari sa kanya. "Natakot ako para sa aking sarili" sabi pa niya. Kaya’t ang sabi sa kanya ni Khadeejah (kaluguran nawa siya ng Allah): "Aba’y huwag, sa halip ay magalak ka. Isinusumpa ko sa Allah, hinding–hindi ka bibigyan ng Allah ng kahihiyan. Pinakikitunguhan mo ng mabuti ang iyong mga kamag-anak, makatotohanan ka sa iyong pananalita, tumutulong ka sa naghihikahos, magiliw ka sa mga panauhin, at umaagapay sa dinapuan ng kasawiang- palad."
Pagkalipas ng ilang araw ay nagbalik na muli siya sa yungib ng Hira’ upang ipagpatuloy ang kanyang pagsamba at upang tapusin doon ang mga natitirang araw ng Ramadhan. Nang matapos ang buwan ng Ramadhan ay nanaog siya buhat sa yungib upang bumalik sa Makkah. Nang siya ay nasa daan na, pinuntahan siya ni Jibreel, (kahabagan nawa siya ng Allah), na nakaupo sa isang
upuang nasa pagitan ng langit at lupa. Matapos ang pangyayaring ito ay ibinaba ang ayah ng Qur’an na nagsasabing: "O Ikaw na nagbabalot ng sarili, bumangon ka at magbabala. At dakilain mo ang iyong Panginoon. At linisin mo ang iyong kasuutan. At layuan mo ang kasalanan.” [Qur’an, 74:1-5].
At pagkatapos nito ay nagpatuloy at nagkasunod-sunod na ang pagdating ng kapahayagan.
Nang simulan ng Propeta, Ang biyaya at kapayapaan nawa’y mapasakanya, ang kanyang pag-aanyaya sa mga tao sa Islam, tinugon ng kanyang butihing maybahay ang panawagan ng pananampalataya. Sinaksihan ni Khadeejah, (kaluguran nawa siya ng Allah), ang kaisahan ng Allah at ang pagiging Propeta ng kanyang marangal na asawa. Si Khadeejah, (kaluguran nawa siya ng Allah), ang kauna-unahang yumakap sa Islam. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang tiyuhing si Abu Talib na siyang tumangkilik at nag-alaga sa kanya noong magsimulang siya ay maging ulilang lubos sa magulang at sa kanyang lolo ay pinili niya si Ali, (kaluguran nawa siya ng Allah), sa mga anak nito upang alagaan sa kanyang piling at gugulan sa mga pangangailangan nito. Sa ganitong kalagayan binuksan ni ‘Ali, (kaluguran nawa siya ng Allah), ang kanyang puso at ang kanyang pag-iisip kaya naman sumampalataya at naniwala siya ng walang pagdadalawang-isip. Pagkatapos niyon ay sumunod naman sa pagpasok sa Islam si Zayd bin al-Harithah, (kaluguran nawa siya ng Allah), na alila ni Khadeejah, (kaluguran nawa siya ng Allah). Kinausap ng Sugo ng Allah ang kanyang matalik na kaibigan na si Abu Bakr, (kaluguran nawa siya ng Allah), at ito naman ay sumampalataya at naniwala nang walang pag-aalinlangan.
Nagsimula ang Propeta Muhammad (s.a.w.) sa kanyang pag-anyaya sa mga tao upang sila ay manampalataya sa tanging nag-iisang Allaah na walang katambal, at upang turuan sila sa pagiging makatarungan at sa pagsasalita ng matapat at makatotohanan, at sa pakikipag ugnayan sa mga mag-anak, at sa pag-iwas sa pangaapi at upang pairalin ang pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga tao, na walang pinagkaibahan ang Arabo sa hindi Arabo, at walang pinagkaibahan ang puti sa itim kundi ang pagkakaroon ng tapat na pananampalataya sa dakilang Allaah. Subalit kinalaban at kinapootan at inaway siya ng kanyang mga tao. Pinagsabihan siyang iwan ang Makkah. Dumating ang araw na siya ay inutusan ng Allah na lumisan patungong Madeenah upang mamuhay doon at itatag ang sambayanang Islaam, malugod siyang tinanggap at ang kanyang mga kasamahan ng mga Al-Ansaar (Muslim sa Madenaah). Ang Madeenah Al-Munawwarah ay naging sentrong lugar ng paghihikayat sa mga tao upang pumasok sa Islam. Nagsimulang pumasok ang mga tao sa Deen (relihiyon) ng Allah ng maramihan, hanggang sa pumasok sa Islam ang boung taga Islang Arab (Al-Jazeerah Al-Arabiyyah).
Nang umabot ang kanyang edad sa ika-animnapu't tatlong taong gulang (63), siya ay kinuha na ng Allah, matapos niyang maiparating ang menshahe ng Allah sa sangkatauhan, at kanyang maituro sa mga tao ang lahat ng kabutihan at kagandahang asal at pinagpayuhan niya ang kanyang Ummah. Siya ay inilibing sa Madeenah AnNabawiyyah sa bansa ng Arabia.