ANG PAGKAKAIBA NG MGA MUSLIM, KRISTIYANO AT HUDYO AY ANG PAGTAWAG SA PANGALAN NG MAYLIKHA

(ni: bro. ahmad erandio)

 

Halimbawa: ang mga Hudyo tumatawag sa Maylikha ng Adonai, Eli, Elah at Elohim subalit ang katotohanan ang Diyos ay may iisang pangalan lamang ang tao lang ang gumawa ng maraming pangalan at nababatay ito sa kanyang pananampalataya o wika o kaya sa tribong kinagisnan.

SA PILIPINAS PALAMANG MAY IBA’T IBANG PANGALAN ANG TAGAPAGLIKHA

Halimbawa ang mga hindi Muslim na taga-Luzon ay tumatawag sa Kanya ng Diyos, at ang mga taga-Bisayas naman ay Ginoo sa mga Kapampangan ay Ginu at may mga taong tumatawag ng Bathala o Hesus.

TAYO BA AY MAY KARAPATANG MAG BIGAY NG PAGALAN SA DIYOS?

Subalit nararapat lamang na ang pangalan ng nag-iisa at natatanging Diyos ay angkop sa Kanyang kagustuhan at hindi ng alinmang lahi, tribo o alinmang uri ng relihiyon.
Sa kasalukuyang panahon patuloy na dumarami ang relihiyon, kaalinsabay ng pagdami rin ng pangalan ng Maylikha.

SA KASALUKUYANG PANAHON PATULOY NA DUMARAMI ANG RELIHIYON, KAALINSABAY NG PAGDAMI RIN NG PANGALAN NG MAYLIKHA

TAYO BA AY MAY KARAPATANG MAG BIGAY NG PANGALAN SA DIYOS?

Subalit nararapat lamang na ang pangalan ng nag-iisa at natatanging Diyos ay angkop sa Kanyang kagustuhan at hindi ng alinmang lahi, tribo, lingguwahi o alinmang uri ng relihiyon.
Ang mga kasapi ng “SAKSI NI JEHOVAH” ay tumatawag sa Maylikha ng JEHOVAH at ang katawagang ito ay mababasa sa Bibliya, kahalintulad ng Kings James Version at sa iba pang kasulatan.

Subalit may mga Bibliya na ang Katawagan sa Maylikha ay YAHWEH, halimbawa, ang Douay Version na ginagamit ng mga Romano Katoliko.
Bakit may JEHOVAH at YAHWEH bakit hindi nagkatugma ang katawagan ng may Likha?

ANG KATAWAGANG “JEHOVAH” AY NAGSIMULANG GAMITIN NOONG IKA-16 NA DANTAON O SIGLO LAMANG

Nabuo ito mula sa apat na titik nanakasulat sa orihinal ng Lumang Tipan ang Y-H-W-H na siyang katumbas ng mga ito sa makabagong paraan ng pagsulat ng Roman o Latin alphabet.

ANG APAT NA TITIK NA Y-H-W-H

Ang apat na titik na Y-H-W-H hindi nila maintindihan kung ano ang kahulugan at ito ay tinatawag sa Griego ng katagang Tetra Grammaton (apat na titik)
Sa orihinal na Kasulatan, ang mga nasabing titik na nasulat sa apat na katinig (consonant) lamang ayon sa katutubong istilo o paraan ng pagsulat ng mga Hudyo sa wikang Hebreo,
At sa kadahilanang hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng apat na titik na Y-H-W-H ang mga nagsalin ng banal na kasulatan ang siyang nagpuno ng mga patinig (vowels) ayon sa kanilang sariling kagustuhan o pamamaraan.

Kung kaya sa bersiyon o salin ng Bibliya ng Romano Katoliko, ito ay naisulat sa katawagang “YAHWEH” sa pamamagitan ng paglagay ng patinig (vowels) na A at E kaya naging Y a H W e H

AT BAKIT ITO NAIBA! ANG YAHWEH NAGING JEHOVAH?

Ayon sa mga dalubhasa ng ibat-ibang relihiyon kung bakit naging JEHOVAH, sa kadahilanang sa bansang Alemanya ang kanilang wika ay walang titik na Y at sa halip J ang ginagamit para sa nasabing titik.

At ang W na wala sa alpabetong Aleman ay napalitan ng V at ang naging katumbas ng YAHWEH ay JEHOVAH. Mula sa katawagang ito ay ipinangalan ng nagtatag ang kanyang relihiyon ng “SAKSI NI JEHOVAH”. Kaya sa madaling sabi ang pangalang “JEHOVAH” ay galing din sa pangalang “YAHWEH”.

ANG PROBLEMA SA TITIK NA “Y at W” at “J at V”

Ang mga Aleman o European na mga Kristiyano kanilang pinalago ang problema sa titik na Y at W wala silang Y at W kundi J at V sa kanilang wika.
Halimbawa:
• Yael              naging Joel
• Yehuda ‘’      naging Jud
• Yeheshua ‘’   naging Joshua
• Yehowah ‘’    naging Jehovah

KUNG KAYA’T ITO ANG PORMULA ang Y naging J at ang W naging V plus patinig: e and o and a - it becomes JeHoVaH

MAGING ANUMAN ANG LAHI, KULAY O WIKA

Sa relihiyong Islam, maging anuman ang lahi, kulay o wika ng isang mana-nampalatayang Muslim, may iisang pangalan lamang ang ginagamit para sa Nag-iisa at Tanging Tagapaglikha, ang taguriang ito ay ALLAH , na kungsaan si Allah mismo ang maysabi sa kanyang pangalan.

Ito ang personal at pangalang pantangi sa Nag iisa at Tanging Maylikha; ang pangalang Allah (swt) ay walang kasarian (gender) o bilang (number), ditulad ng Diyos o God na maaaring maging panlalaki o pambabae (masculine or feminine) DIYOS O DIYOSA at pangmaramihan o pangkaisahan (plural o singular) DIYOS O MGA DIYOSA (GOD OR GODDESSES).

NARARAPAT LAMANG NA MAY IISANG PANGALAN

Si Allah (swt) ay nararapat lamang na may nag-iisang pangalan na aangkop sa Kanyang katangiang nag-iisa at walang kahalintulad.

Halimbawa: sa Dakilang Qur’an ang bawat surah (kabanata), maliban sa isa ay nagsisimula sa salitang BISMILLAH HIR-RAHMANIR-RAHIM (Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain).